Balita

Drug user kulong ng 16 na taon

- Orly L. Barcala

Labing- anim na taong pagkakakul­ong ang inihatol ng Valenzuela City Regional Trial Court ( RTC) laban sa isang drug user na nagkasala ng dalawang bilang ng paglabag sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Act o RA 9165.

Sa 14 na pahinang desisyon ni Valenzuela RTC Branch 282 Judge Elena A. Amigo-Amano, guilty sa mga kasong Sections 11 at 12 ng RA 9165 si Michael Deniega, alyas Botchok, nasa hustong gulang, ng Barangay Arkong Bato, Valenzuela City.

Nabatid na 12 taon at isang araw hanggang 14 na taon ang ipinataw ng korte laban kay Deniega sa paglabag sa Section 11 at pinagbabay­ad ng P300,000 bilang danyos.

Bukod dito, para sa paglabag sa Section 12, pinatawan ng dalawang taon at apat na araw na pagkakabil­anggo at pinagbabay­ad ng P10,000 ang suspek.

Base sa record, Agosto 6, 2016, natiyempuh­an ni SPO1 Roberto Santillan si Diniega na may hawak na ice pick at nakahubad baro sa M. H. del Pilar, Bgy. Arkong Bato, Valenzuela City.

Nakumpiska­han din si Deniega ng isang pakete na naglalaman ng 0.12 gramo ng umano’y shabu.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines