Balita

Delivery man tinigok ng tandem

- Jun Fabon

Napatay ng riding- intandem ang isang delivery man ng San Miguel Corp. ( SMC) matapos holdapin sa Quezon City, nitong Martes ng hapon.

Ang biktima ay kinilalang si Rolando Saldana, 50, driver ng delivery truck ng San Miguel,ng Camarin,Caloocan City

Sa ulat, dakong 4: 00 ng hapon habang nagpapahin­ga umano si Saldana at dalawang hindi binanggit na helper, sa may Igdalig Street, Barangay. Manres,nang biglang sumulpot ang dalawang armadong suspek na sakay sa motorsiklo sabay deklara ng holdap.

Sapilitan inagaw ng mga suspek ang bag ni Saldana subalit pumalag umano ito kaya galit na binaril sa ulo ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi mabatid na direksiyon tangay ang bag ng biktima,na naglalaman ng mga papeles.

Hinala ng pulisya, inakala umano ng mga suspek na kolektor ang biktima kaya hinoldap siya.

Patuloy na inaalam ng awtoridad ang pagkakakil­anlan ng dalawang suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines