Balita

Pulis tiklo sa pagpapaput­ok sa resort

- Liezle Basa Iñigo

Nakakulong ngayon ang isang pulis makaraang magpaputok umano ng baril sa isang beach resort sa San Fabian, Pangasinan, nitong Martes ng gabi.

Nakilala ang suspek na si SPO3 Juan Solares, 40, ng Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal at nakatalaga sa La Loma Police Station sa Quezon City.

Ipinahayag ni Chief Insp. Arvin Jacob, hepe ng San Fabian Police, na nangyari ang insidente sa beach resort sa Bgy. Nibaliw, San Fabian dakong 9:30 ng gabi.

Sa imbestigas­yon, dakong 9:30 ng gabi nang nakita ni Julynne Ang, 13, anak ng may-ari ng resort, ang suspek malapit sa kanyang kuwarto, na nagkakasa ng baril at kalaunan ay ipinutok. Naaresto rin ng pulisya ang suspek matapos ang pamamaril at inihahanda na ang kasong grave threat laban sa kanya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines