Balita

Bata nasagasaan, patay

- Lyka Manalo

PADRE GARCIA, Batangas - Nasawi ang isang bata nang masagasaan ito ng kotse sa Padre Garcia, Batangas nitong Martes ng hapon.

Namatay habang ginagamot sa Rosales Hospital si Yeojan Besares, 6, ng Barangay Bukal, Padre Garcia, dahil sa tinamong pinsala sa katawan.

Ayon kay SPO1 Joel Garcia, nangyari ang insidente sa barangay road ng Bukal dakong 3:25 ng hapon.

Sa imbestigas­yon, pauwi na si Besares at tumatawid sa lugar nang mabangga ng kotseng minamaneho ni Marlon Tolentino, 39 anyos.

Nakapiit ngayon si Tolentino at inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa kanya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines