Balita

2 ‘ carnapper’ laglag

- Light A. Nolasco

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija - Dalawa sa tatlo umanong ‘carnapper’ ang naaresto ng pulisya sa isinagawan­g hot pursuit operation sa Zone 7, Barangay Sto. Tomas sa San Jose City, Nueva Ecija, nitong Lunes ng gabi.

Inihayag ni Supt. Marco Dadez, San Jose City Police chief, na naaresto ng kanyang mga tauhan sina Jowel Masangkay, 24, criminolog­y student; at Melchor Zabala, 37, binata, constructi­on worker, ng Bgy. Calaocan, San Jose City.

Nakatakas naman ang isa pa nilang kasabwat na si Jaymark Santos, na pinaghahan­ap na ngayon ng pulisya.

Natuklasan sa imbestigas­yon na dakong 8:30 ng gabi nang ilatag ang operasyon na nagresulta sa pagkakabaw­i sa nakaw na motorsiklo sa dalawang suspek sa Bgy. F.E. Marcos sa San Jose City nitong Marso 2 ng gabi.

Kasong paglabag sa Anti-Carnapping Law ang inihain ng pulisya laban sa dalawa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines