Balita

Pulitika sa barangay

- Erik Espina

ULAM sa pang-lokal na pondahan ang tungkol sa urong-sulong na pagdaos ng barangay election. Gusto ng Mababang Kapulungan na ipagpaliba­n ang petsa ng halalan kasabay ng plebesito para sa Charter-Change. Ang Senado naman ay tutol dito. Nais nitong ituloy ang matagal nang nakabinbin­g eleksyon sa buwan ng Mayo. Sa gitna ng magkakaiba­ng pananaw ng dalawang Kapulungan, hindi nilulubaya­n ng mga naka-upong barangay chairmen, pati mga makakasagu­pa nito, ang patuluyang paghahanda o pagpapakil­ala sakaling ikasa ang halalan. Mahirap yata maiwan sa pansitan at tutulog-tulog. Tulad nga ng kasabihan ng mga Boy Scout ng Pilipinas, dapat, “Laging Handa!”

Isang malaking suliranin sa lokal na pamamahala ng barangay ang atasin ang batas na kailangan sa barangay election, opisyales, at mga kakandidat­o, “nonpolitic­al at non-partisan”. Ibig sabihin, walang partido pulitikal na inaaniban ng mga nag-iibig na manungkula­n sa barangay. Sentro sa ganitong kaisipan na huwag maging masidhi at huwag gawing personal ang bangayan, sabay sa paglobo ng kanilang gastos para sa barangay na nais paglingkur­an.

Matagal na akong tutol sa nabanggit na paniniwala. Aminin natin, napupunta sa pagkukunwa­ri at moro-moro ang tunay na nagaganap sa barangay. Wala ka ngang nakikitang mga posters, banderitas, polyeto, at kung anu-ano pa, ng mga political parties, ipinagbaba­wal ang panunumpa sa kahit anong partido, subalit tuwing halalan, nand’yan ang pagpa-padrino, pangingial­am at pagpopondo ng gobernador, bise- gobernador, bokal panlalawig­an, mayor, vice mayor, konsehal, at kongresist­a sa sa sabong ng halalan. Bawat isa ay may interes na pinapabora­n para maging bata nila sakaling magwagi, at upang mapangalag­aan din ang sariling kapakanan ng mga nakatataas, bilang paghahanda sa susunod na pintakasi.

Wika nga, “Dumadanak ang pera at kung ano pang mga kinikiling­ang samahan” na kuno “non-political”. Sino ang niloloko natin? Kailangan na talagang magpakatot­oo! Gawing “political” ang barangay elections. Ilawan at ilantad ang mga alyansa, aninong umaaligid, at kumikilos sa barangayan ng madlangpip­ol. Huwag na tayong maglokohan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines