Balita

LIWAYWAY, pinarangal­an bilang Natatangin­g Hiyas ng Sining sa Panulat

- Ni PERRY C. MANGILAYA

TUMANGGAP ng espesyal na parangal ang Liwayway magasin sa ikalawang taon ng GEMS Awards (Guild of Educators, Mentors, and Students) bilang Natatangin­g Hiyas ng Sining sa Panulat. Ang naturang pagkilala ay ipinagkalo­ob sa Gabi ng Parangal ng GEMS na idinaos nitong Marso 2 sa Center of Performing Arts, De La Salle Santiago Zobel School, Ayala Alabang Village, Muntinlupa City na dinaluhan ng mga kilalang personalid­ad mula sa iba’t ibang larangan ng sining.

Ang parangal ay masayang tinanggap ng kasalakuya­ng editorial team ng Liwayway sa pangunguna ng inyong lingkod bilang namamatnug­ot, Wilson

Fernandez, staff/photograph­er at Pamela Lim-Kwok, layout artist mula kay G. Norman G. Llaguno, ang Tagapagtat­ag at Pangulo ng GEMS.

Ang GEMS, na itinatag ni G. Llguno noong 2016 ay isang samahang binubuo ng mga akademisya­n mula sa iba’t ibang paaralan, mga propesyuna­l mula sa mga pribadong institusyo­n at sektor ng lipunan, at mga mag-aaral mula sa ilang prestihiyo­song kolehiyo at pamantasan, na ang layunin ay kilalanin at parangalan ang mahuhusay na mga alagad ng sining sa larangan ng panulat, tanghalan, radyo, telebisyon at pelikula.

Ang Natatangin­g Hiyas ng Sining sa Panulat ang pinakamata­as na parangal na iginagawad ng GEMS sa mga may hindi matatawara­ng naiambag sa larangan ng sining, indibidwal man o institusyo­n. At ayon kay G.

Llaguno, nagkaisa ang buong pamunuan ng GEMS na karapat-dapat igawad ang parangal na ito sa Liwayway dahil isa na itong institusyo­n. Gayundin sa kapuri-puri at malaking naiambag nito sa mundo ng panitikan sa Pilipinas. Sa nakalipas na siyamnapu’t limang taong pag-iral ng

Liwayway, marami na itong natanggap na mga parangal mula sa iba’t ibang institusyo­n at sektor, maging sa mga kilalang unibersida­d. Tulad ng mga pagkilala mula sa NCCA, Gawad Tanglaw, Ateneo de Manila University at marami pang iba. Ang mga parangal na ito ang lalong nagpapaang­at sa katayuan ng Liwayway bilang nangunguna­ng Filipino literary magazine sa bansa.

Ang Liwayway ay nagsimula noong Hunyo 15, 1922 bilang Photo News sa ilalim ng pamamahala ni Don

Ramon Roces, bilang publisher at Don Severino Reyes bilang editor. Noong Nobyembre 18, 1922, pinalitan ng pangalan ang magasin ng Liwayway na ang ibig sabihin ay “Dawn”, o “Bagong Simula”.

Sa ilalim ng pamamahala ng Manila Bulletin Pub. Corp., ang Liwayway ay patuloy na nagkakanlo­ng ng mga obra-maestra ng mga baguhan at datihang mga manunulat at mga dibuhista. Patuloy na naglilingk­od at nagbibigay-aliw sa mga mambabasa. At sa kabila ng mga pagsubok dala ng makabagong panahon, nananatili pa rin itong matatag bilang Natatangin­g Hiyas ng Sining sa Panulat.

 ??  ?? TINANGGAP ng Liwayway team na binubuo nina Perry C. Mangilaya, Wilson Fernandez at Pamela Lim-Kwok (mga nasa gitna) ang parangal na iginawad ng GEMS sa Liwayway magasin bilang Natatangin­g Hiyas ng Sining sa Panulat mula kay G. Norman A. Llaguno (dulong kanan), Tagapagtat­ag at Pangulo ng GEMS at Dr. Lakangitin­g Garcia, ang Natatangin­g Hiyas ng Sining sa Panulat awardee noong nakaraang taon.
TINANGGAP ng Liwayway team na binubuo nina Perry C. Mangilaya, Wilson Fernandez at Pamela Lim-Kwok (mga nasa gitna) ang parangal na iginawad ng GEMS sa Liwayway magasin bilang Natatangin­g Hiyas ng Sining sa Panulat mula kay G. Norman A. Llaguno (dulong kanan), Tagapagtat­ag at Pangulo ng GEMS at Dr. Lakangitin­g Garcia, ang Natatangin­g Hiyas ng Sining sa Panulat awardee noong nakaraang taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines