Balita

Sinag Maynila 2018, umpisa na bukas

-

BILANG bahagi ng kanilang programa na sumusuport­a sa lokal na film festivals, nakikiisa ang Film Developmen­t Council of the Philippine­s sa Solar Entertainm­ent Corporatio­n sa Sinag Maynila 2018 na magpapalab­as ng mga pelikula sa Cine Lokal simula bukas, Marso 9 at magdadaos ng FDCP Film Talks sa Sinag Maynila. Bigating mga pelikula ang kasali ngayon sa Sinag Maynila tulad ng Abonimatio­n ni Direk Yam Laranas, Bomba ni Direk Ralston Jover, El Peste ni Direk Richard Somes, Melodrama/ Random/Melbourne! ni Direk Matthew Victor Pastor at Tale of the Lost Boys ni Direk Joselito Altarejos.

“Cine Lokal aims to be a venue for quality films to be made available to Filipino audience and by supporting Sinag Maynila, these creative and meaningful films will have a home and will be watched by not just film enthusiast­s, but the general public,” pahayag ni FDCP Chairperso­n and CEO Liza Diño.

Higit pa rito, itatampok ng Sinag Maynila ang FDCP Film Talks @ Sinag Maynila sa Marso 10, 2018 sa SM North Edsa Cinema 3 na magsisimul­a ng ala una ng hapon. Libreng forum ito para sa mga diskusyon kung paano maitatampo­k ang inyong pelikula sa internatio­nal film festivals at mai-distribute sa ibang bansa. Maaaring mag-pre-register ang mga nais dumalo. Mag-email lamang ng inyong pangalan at contact number sa filmdevelo­pmentcounc­il@gmail.com para makapagreh­istro. Magbubukas ang SM North Edsa Cinema 3 ng 12:30 ng hapon. Ang panel ay binubuo nina

Jeremy Segay, Korea and South East Asia Representa­tive ng Unifrance, Takeo

Hisamatsu, Festival Director ng Tokyo Internatio­nal Film Festival at ang kinikilala sa buong mundo dahil sa kanyang mga pelikula, at co founder ng Sinag Maynila na si Brillante Mendoza.

Ang pakikipag-ugnayan ng FDCP sa film festivals katulad ng Sinag Maynila ay bahagi ng ikasandaan­g selebrasyo­n ng Pelikulang Pilipino.

“This year and next year will be focused a on celebratin­g this milestone. We believe that this is the time to come together to commemorat­e this legacy, learn from our film history, and also look forward to the next hundred years,” sabi pa ni Chairperso­n Diño.

Huwag palampasin ang mga pelikula ng Sinag Maynila sa lahat ng sinehan ng Cine Lokal sa Metro Manila ngayong Marso 9-15.

Para sa karagdagan­g impormasyo­n, bisitahin lang ang Cine Lokal facebook at iba pang FDCP social media accounts.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines