Balita

Cynthia Nixon, inihahanda ang pagtakbo para governor ng New York

- Cynthia

NAGBUBUO na si Cynthia Nixon ng staff para sa posibleng pagtakbo niya para gobernador ng New York, ayon sa ulat ng NY1 nitong Martes.

Malaking papel sa pagkandida­to ni Nixon ang gagampanan nina Rebecca

Katz at Bill Hyers, na tumulong sa unang kampanya ni Bill

de Blasio para sa pagkaalkal­de sa New York. Hindi agad nakasagot sina Katz at Hyers nang hingan ng komento.

Kamakailan ay lumiham ang Sex in the City star na si Nixon sa op ed ng CNN.com at isinaad na, “each one of us has to do whatever we can to take the government back,” kabilang ang “taking the leap to run for office ourselves.”

“Everyday people running means more people of color, more women, more queer people, more first-generation Americans, more allies — more of the people whose voices have been missing for far too long,” saad niya sa liham. “We may not have million dollar super PACs behind us, but we’ll have something more important — a shared mission uniting millions of people across this nation.” Lumabas sa Today ng NBC noong nakaraang taon, sinabi niyang hinihikaya­t siyang tumakbo. Naghayag siya ng kritisismo sa record ni Gov. Andrew Cuomo, isang Democrat, na siyang makakatung­gali niya sa Setyembre, kung papasok na nga siya sa pulitika. Inihayag ng tagapagsal­ita ni Nixon na pinag- iisipan pa niya ang ideya. “Many concerned New Yorkers have been encouragin­g Cynthia to run for office, and as she has said previously, she will continue to explore it. If and when such a decision is made, Cynthia will be sure to make her plans public,” lahad ng tagapagsal­ita.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines