Balita

Mel C, hindi imbitado sa Royal Wedding

- Mel C

MUKHANG nakabitin pa rin sa ere ang reunion ng Spice Girls. Nagkagulo naman ang fans ng popular na girl group nang malamang nagkaroon ng sorpresang reunion sina Mel B, Mel C, Victoria Beckham, Geri Halliwell at Emma Bunton nitong nakaraang buwan. Nagkaroon tuloy ng espekulasy­on sa posibilida­d ng bagong awitin o kaya’y tour.

Pero agad itinanggi ni Beckham ang mga usapusapan at ipinaliwan­ag na hindi sila magkakaroo­n ng tour. Ngayon, inulit naman ni Mel C ang sinabi ng fashion designer at klinaro na hindi lahat ng miyembro ng Spice Girls ay imbitado sa kasal

nina Prince Harry at Meghan Markle.

“Victoria has been quite vocal, it’s really not something she wants to do at this time,” lahad ng 44 taong gulang na mang-aawit sa The Sun nang ganapin ang The Prince’s Trust Awards sa London Palladium nitong Martes. “I think it has to be all five, so it’s tricky,” at kimumpirma­ng “no plans” para mag-tour silang apat.

“It’s very early stages. We’re not talking about new music or going out on the road together at this time,” dagdag pa niya. “It was just getting together to reignite all the things that we have had together and to work with (manager) Simon (Fuller).”

Para sa mga usap-usapan na ang mga kababaihan­g ito ay dadalo sa royal wedding sa Mayo, kinontra ng singer ang komento ni Mel B na una na niyang ipinahayag.

“I’ve met Prince Charles lots of times. I’m going to ask him where my invite is because I haven’t got mine yet, obviously Mel B said she has hers,” pagbabahag­i niya, at sinabing ang tinukoy ni Mel B sa kanyang komento sa The

Real, nitong nakaraang buwan, na lahat ng limang miyembro ay imbitado.

Nang panahong iyon, hindi nagbigay ng komento ang tagapagsal­ita ng Spice Girls hinggil sa naging panayam kay Mel B. Gayunman, sinabi ng isang source sa ET na walang plano para magtanghal ang Spice Girls sa royal wedding.

“I think Mel was just kind of having a bit of a joke,” dagdag ni Mel C. “There are no plans to go to the wedding at the moment.”

Kaya sa ngayon, ipagpapatu­loy ni Mel C ang pagtatraba­ho sa kanyang mga personal na proyekto,a t ibinahagi niyang “there will be new music but just me. I’m making an album which will be out later this year.” Ngunit huwag umasa ng malaki sa Spice Girls.

“We’re all just dead busy,” isiniwalat ng “On the Horizon” singer. “So if anything were to happen, it wouldn’t be now.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines