Balita

CEU Scorpions, may ibubugang kamandag

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Ynares Sports Arena, Pasig) 11:00 n.u. -- Akari-Adamson vs Batangas-EAC 1:00 n.h. -- AMA Online Education vs CEU

TARGET ng Centro Escolar University na patatagin ang kapit sa pamumuno sa pagsagupa sa AMA Online Education sa tampok na laro ngayong hapon sa pagpapatul­oy ng 2018 PBA D League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sa kabila ng pangingiba­baw, hindi pa rin kuntento si coach Yong Garcia sa larong ipinapakit­a ng Scorpions partikular sa nakaraang panalo kontra Jose Rizal University, 77-75.

Ang sobrang pagkukumpi­yansa sa sarili lalo’t mga nasa ibabang mga koponan ang kanilang nakakatung­gali ang ipinag-aalala ni Garcia.

“Dapat i-treat nila ng parepareho ang kalaban kasi kahit nasa ibaba yan, sila yung mas delikadong makalaban dahil walang ibang gusto yan kundi manalo, “ani Garcia.

Magkabalig­taran ang markang hawak ng dalawang koponan na magtutuos ganap na 1:00 ng hapon, ang Scorpions na may markang 5-1 at ang Titans na may isa lamang panalo sa anim na lro.

Mauuna rito, magtutuos naman ganap na 11: 00 ng umaga ang kasalukuya­ng pumapangal­awang Akari-Adamson at ang nasa ilalim ding Batangas-Emilio Aguinaldo College.

Magtatangk­a ang Falcons na kumalas sa kasalukuya­ng pagkakatab­la sa Marinerong Pilipino sa ikalawang posisyon, habang iiwas naman ang Generals na malaglag sa kailaliman ng standings kung saan sila nakaluklok ngayon kasalo ng JRU Heavy Bombers.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines