Balita

La Salle vs Adamson sa UAAP baseball finals

- Marivic Awitan

ITINAKDA ng De La Salle University at Adamson University ang kanilang pagtutuos sa finals makaraang kapwa magwagi sa kani-kanilang nakatungga­li nitong weekend sa UAAP Season 80 baseball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium. Winakasan ng Green Batters ang paghahari ng dating kampeong Ateneo de Manila University Blue Eagles sa pamamagita­n ng 11-8 panalo habang pinadapa naman ng Falcons ang National University Bulldogs, 13-4.

Tatangkain ng Green Batters na mabawi ang titulo na kanilang napanaluna­n noong 2016.

Tumapos ang La Salle na may pinakamata­as na markang 9-1, habang sumunod naman ang Falcons na may kartadang 7-2.

Bumagsak naman ang Blue Eagles dahil sa kanilang pagkabigo sa 5-4.

Sa isa pang laro, tinalo naman ng University of Santo Tomas ang University of the Philippine­s, 5-4, para tumapos sa 4-5 na kartada.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines