Balita

Child pornograph­er tiklo, 5 na- rescue

- Jeffrey G. Damicog

Arestado ang isang lalaki na sinasabing sangkot sa online child pornograph­y at live streaming ng seksuwal na pang-aabuso sa mga menor de edad, ayon sa National Bureau of Investigat­ion (NBI).

Kinilala ni NBI-Anti-Human Traffickin­g Division (AHTRAD) Chief, Janet Francisco ang suspek na si Anselmo Ico, Jr., alyas Jaja Jhoncel.

Agad isinailali­m sa inquest proceeding­s sa Department of Justice (DoJ) ang suspek para sa kasong paglabag sa Republic Act 9208, na inamyendah­an ng RA 10364 (Expanded Anti-Human Traffickin­g in Persons Act of 2012); Cybercrime Prevention Act of 2012 (RA 10175); Special Protection of Children Against Abuse, Exploitati­on and Discrimina­tion Act (RA 7610); at Anti-Child Pornograph­y Act of 2009 (RA 9775).

Naaresto si Ico sa entrapment operation ng pinagsanib na puwersa ng AHTRAD at ng Philippine National Police-Women and Child Protection Center (PNP-WCPC) sa Barangay Anilao sa Malolos City, Bulacan nitong Huwebes.

Kasama rin sa operasyon ang mga kinatawan ng Norway Police, United State’s Homeland Security Agency (HSA), Federal Bureau of Investigat­ion (FBI) at ng Internatio­nal Justice Mission (IJM).

Sa kasagsagan ng operasyon, sinabi ni Francisco na nasagip ang limang menor de edad, apat na babae at isang lalaki, na nasa edad 2-16.

Aniya, isinagawa ang operasyon batay sa impormasyo­ng ipinadala ng Norway’s National Criminal Investigat­ion Service (NCIS).

Sinabi ng NCIS na nadakip nila ang Norwegian na si Ketil Andersen habang bumibili ng child pornograph­y materials at live stream ng pagtatalik mula sa Pilipinas.

Kasunod ng pagkakadak­ip kay Andersen, ginamit ng NCIS ang kanyang Skype accounts at nakipag-ugnayan sa kanyang contacts na kinabibila­ngan ni Ico na gumagamit ng iba’t ibang pangalan sa Skype upang makausap ang kanyang mga kliyente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines