Balita

Baron, ididiretso sa rehab

NAKIPAGKAS­UNDO SA BAYAW

- Ni JIMI ESCALA

S A

kundisyong papayag si Baron Giesler na ididiretso siya sa rehabilita­tion center ay mismong pamilyang nagpakulon­g sa kanya ang maglalagak ng piyansa para sa kasong isinampa laban sa kanya ng mga ito.

Pumayag naman agad si Baron pero may kundisyon din siyang hiningi, na dapat ay sagutin ng kanyang pamilya ang malaking gagastusin para sa pagpapa-rehab niya.

Sa lumabas na pictures ni Baron na kuha sa loob ng kulungan at habang nagsasalit­a, dahil wala sa ilalim ng ispiritu ng alak, ay para siyang maamong tupa. Aniya, siguro raw ay kagustuhan ng Diyos para tuluyan na siyang magbago.

Banggit pa ni Baron, na naging leksiyon sa kanya ang alitan nila ng kanyang bayaw na si Michael

Morales. Para na rin daw ito sa ikakabuti ng kanyang buhay.

Habang sinusulat namin ito ay inaasikaso na ng kanyang bayaw, na nagpakulon­g sa kanya, ang pag-atras sa kasong isinampa nito laban sa aktor. Dalangin ng nakausap naming taong malapit kay Baron, sana nga raw maging daan ito para magbago na ang mahusay pa namang actor.

“Sa totoo lang, eh, kailangan talaga niya ang profession­al help. Sa palagay ko kasi, eh, hindi naman alak lang ang nagiging dahilan sa mga ginawa niyang hindi na normal para sa isang kagaya niya,” sey ng source namin.

Kulang na lang na banggitin ng kausap namin na psychiatri­st ang kailangan ni Baron.

“Dapat na magpasalam­at si Baron dahil kahit sobra ang ginawa niya, eh, meron pa ring mga taong nagmamalas­akit sa kanya,” dugtong pa ng source.

Hindi na dapat palampasin ni Baron ang magandang pagkakatao­ng ibinigay sa kanya ng pamilya niya. Hindi naman ito para sa pamilya lang nila o sa kung sino man kundi para mismo sa kanyang sarili.

 ??  ??
 ??  ?? Baron
Baron

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines