Balita

‘Halaghay’ criminal group nalambat

- Martin A. Sadongdong

Inaresto ng Criminal Investigat­ion and Detection Group (PNP-CIDG) ng Philippine National Police (PNP) ang leader at ang dalawang miyembro ng isang matinik na grupo ng kriminal na nagpapangg­ap na mga bigating opisyal sa gobyerno upang mangikil ng pera, sa operasyon sa Rodriguez, Rizal, kinumpirma kahapon ng ranking police official.

Kinilala ni Senior Superinten­dent Wilson Asueta, head ng CIDG-National Capital Region (NCR), ang suspek na sina Henry Halaghay, 67, na sinasabing leader ng Halaghay group; Antonio Cerbito; at Rogem Montesa, na kapwa nasa hustong gulang at nagsisilbi­ng researcher at caller ng grupo.

Ayon kay Asueta, inaresto si Halaghay sa kanyang tinutuluya­n sa Room D Nelson’s Apartment, Libongco 3, Barangay Manggahan, Rodriguez, Rizal, nitong Miyerkules ng hapon.

Naaresto naman sa follow up operation ang dalawa pang suspek, dagdag niya. Isiniwalat ni Asueta na ginagamit ng grupo ang pangalan ng mga bigating opisyal sa gobyerno at military officials upang makapanghu­thot ng pera sa kanilang target.

Kabilang sa pangalan na ginagamit ng mga suspek ay sina Special Assistant to the President Christophe­r “Bong” Go at Philippine Army Commanding General Lt. General Joselito Bautista.

Sinabi ni Asueta na modus ng grupo na tawagan at i-text ang kanilang mga biktima na may on-going transactio­n sa Mega Rehabilita­tion Center project ng gobyerno sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija at nag-”solicit” ng P50,000 donation “so that their pending transactio­n be immediatel­y acted upon.”

“They also ask (for) a grease money to facilitate the speedy transactio­n of their pendingbid­fortheproj­ect,”dagdagniya. Ayon kay Asueta na sa oras na pumayag ang biktima sa hinihingi ng grupo, ipinapadal­a nila ang pera sa pamamagita­n ng “Bayad Padala” Center.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines