Balita

Negosyo sa Pangasinan tumaas ng 14% noong 2017— DTI

-

TUMAAS

ng 14 na porsiyento ang mga bagong negosyo sa Pangasinan na nakarehist­ro sa ahensiya noong 2017 kumpara noong 2016, iniulat ng Department of Trade and Industry ( DTI) office sa Pangasinan.

Ayon kay DTI- Pangasinan Director Peter Mangabat, umabot sa 10,500 single- proprietor­ship businesses sa probinsiya ang nagrehistr­o sa kanilang tanggapan noong nakaraang taon, mas mataas ng 1,300 kumpara sa 9,200 negosyo na nagrehistr­o noong 2016.

Sinabi niya na karamihan sa mga negosyong nakarehist­ro ay nakalinya sa food processing.

“With the geography of the province and the existing traditiona­l industry of agricultur­e, particular­ly with anything related to fish, it is given that food processing will be the prominent business here,” sabi ni Mangabat.

Idinagdag niya na ang daming negosyo, lalo na sa Dagupan City, ay nakalinya sa pagpaparam­i ng bangus, paggawa ng bagoong, at mga kainang nag- aalok ng seafood.

Ilan sa mga negosyo ay nakatuon sa mga regalo, pandisenyo, at mga gamit sa bahay.

Sinabi rin ni Mangabat na ang bamboo engineerin­g ay isa sa mga developing industries sa Alaminos City, Bayamang, Mangatarem, at Aguilar, kung saan itinayo ang 10,000- hectare bamboo nursery upang matugunan ang lumulobong demand.

“Bamboo is used in decors, tables, doors, and as tiles and many other uses, through the bamboo engineerin­g,” aniya.

Para sa taong ito, ang nasa 2,100 negosyo ang nakarehist­ro sa DTI noong Enero at 1,550 noong Pebrero.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines