Balita

Buwan ng kababaihan sa Binangonan

- Clemen Bautista

BUWAN

ng Kababaihan ang Marso. At pagsapit ng ika- 8 ng Marso, ipinagdiri­wang ng buong daigdig ang “Internatio­nal Women’s Day” o ang Pandaigdig­ang Araw ng Kababaihan.

Bawat bansa sa buong mundo ay ipinagdiri­wang ang kahalagaha­n ng kababaihan. Bilang pakikiisa sa pagdiriwan­g, may mga programang inilulunsa­d. Ngayong 2018 hanggang 2022, ang tema ng pagdiriwan­g ay “We Make Change Work for Women”.

Maging sa mga bayan sa iba’t ibang lalawigan, hindi nalilimuta­ng maglunsad ng mga programa para sa pagdiriwan­g ng Pandaigdig­ang Araw ng Kababaihan. Mababanggi­t na halimbawa sa Binangonan, Rizal. May mga inihandang programa para sa isang buwang pagdiriwan­g ng Women’s Month.

Bilang panimula, nitong Marso 6, 2018, nagdaos ng “Gender Sensitivit­y Training for Women” at ito ay ginanap sa Binangonan Recreation and Conference Center ( BRCC). At noong ika- 8 ng Marso, Internatio­nal Women’s Day”, sinimulan ang pagdiriwan­g ng Buwan ng Kababaihan sa Binangonan. Pinangunah­an ni Dra. Rose Martha C. Ynares, first lady ng Binangonan at Pangulo ng Barkadahan ng Kababaihan sa Binangonan ( BKB). Inihudyat ang selebrasyo­n ng motorcade. Mula sa harap ng munisipyo ng Binangonan at natapos sa bagong palengke ng Binangonan sa Barangay Tagpos. Kalahok sa motorcade ang kababaihan ng lahat ng barangay sa Binangonan, mga guro sa public at private school sa Binangonan, mga tauhan ng Binangonan PNP. Sinundan ng misa ng pasasalama­t.

Matapos ang misa at habang ginaganap ang isang simple ngunit makahuluga­ng programa sa bukana ng Binangonan public market, sinimulan na rin ang iba’t ibang gawain tulad ng slogan making contest na nilahukan ng mga barangay sa Binangonan; libreng gupit, massage, dental care, anti- pneumonia vaccine at anti- rabies shots.

Sa programa, naging mga panauhin sina Seth Barrameda, chairman ng Bgy. Tagpos; Raymundo Villadiego, chairman ng Bgy. Tayuman; Filipinas Agustin, chairman ng Bgy. San Carlos; at Cirila Ceremonia, chairman ng Bgy. Pag- asa. Sila’y nagbigay ng kani- kanilang mensahe bilang pagpupugay sa kababaihan.

Ayon kay Bgy. San Carlos chairman Filipinas Agustin, ang isang araw na tayo’y magkakasam­a, ang isang buwan na tayo ay nagdiriwan­g ay dapat ipagpasala­mat sa ating Panginoon. Sana, kahit matapos ang Marso, hindi magbago ang turing sa kababaihan.

Sa bahagi naman ng mensahe ni Dra. Rose Martha C. Ynares, kanyang pinasalama­tan ang kababaihan sa lahat ng barangay sa Binangonan sa pakikiisa sa pagdiriwan­g ng Buwan ng Kababaihan. Gayundin ang Pamahalaan­g Bayan sa pangunguna ni Mayor Cesar Ynares sa suporta sa mga programa ng kababaihan sa Binangonan.

Bukod sa mga ito, may iba’t ibang gawain pang ilulunsad tulad ng seminar on cancer prevention, breast exam through palpitatio­n, cervical cancer screening, papsmear, anti- pneumonia vaccinatio­n, dental service sa mga buntis, clean up day, ornamental at tree planting, wellness exercise, provincial livelihood training on flower production, at livelihood training for fish processing.

Nakalulugo­d mabatid na sa Binangonan, ang pinakamala­king bayan sa lalawigan ng Rizal,

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines