Balita

Mas grabe pa si DU30 kay Sereno

- Ric Valmonte

NANG

pagdebateh­an ang tagong yaman ng mga kandidato sa pagkapangu­lo nitong nakaraang halalan, nilagdaan ni Pangulong Duterte at mga kapwa niya kandidato ang isang waiver na nagbibigay laya sa sinuman upang busisiin ang kanilang deposito sa bangko.

Ang problema sa waiver na ito ng Pangulo ay hindi ito magamit dahil hindi nakasaad ang partikular na bangko at bank account. Kaya, hanggang ngayon, animo’y anino na ayaw siyang hiwalayan ng isyung may itinatago siyang yaman na nakadeposi­to sa bangko. Sa pagkakaala­m ni Sen. Antonio Trillanes ito ay nagkakahal­aga ng P200 milyon.

Nagsampa si Trillanes ng kasong unexplaine­d wealth sa Ombudsman, ngunit i- dinismiss ang kaso dahil ayaw umanong makisama ng Anti- Money Laundering Council ( AMLAC). Mukhang epektibo ang pananakot ng Pangulo sa Ombudsman at sa AMLAC. Nang simulan ng Ombudsman ang imbestigas­yon sa hindi maipaliwan­ag na yaman ng Pangulo, binatikos na nito ang Ombudsman. Ganito rin ang ginawa niya sa AMLAC.

Ngayon, nais papaniwala­in ng Pangulo ang mamamayan na walang katotohana­n ang ibinibinta­ng sa kanya na tagong yaman. Nais niyang palabasin na nagsisinun­galing ang kanyang mga kritiko, lalo na si Sen. Trillanes. Ngunit ayon sa senador, tanging waiver lamang ang makakapagb­igay kasiyahan sa taumbayan sa kanyang alegasyon na wala siyang itinatagon­g malaking halaga maliban sa P40 milyon na ang bahagi nito ay namana niya sa kanyang mga magulang. “Dapat manguna siya sa espiritu ng transparen­cy” wika ni Senador Trillanes. Dapat, aniya, isapubliko ng Pangulo ang kanyang mga bank deposit.

Nakahanda naman umano ang Pangulo na ipabusisi ang kanyang bank records. Kaya lang, ang Presidenti­al Anti- Curruption Commission ( PACC), na siya mismo ang lumikha, ang bubusisi. “Umaasa ako na walang makikita itong iregular dito” sabi ng Pangulo. Sigurado na ito. Talagang wala itong makikita, kaya nga niya ito nilikha. Sa oath taking ng mga opisyal ng PACC sa Malacañang nitong Martes, sinabi ng Pangulo na nanatiling “off- limits” ang kanyang bank records sa kanyang mga kaaway dahil baka gamitin nila ang mga ito sa kanilang fishing- expedition.

Ngunit, alam ng Pangulo ang kahalagaha­n na malaman ng lahat na wala siyang itinatagon­g hindi maipaliwan­ag na yaman. Kasi, ebidensiya ito ng kurapsiyon. Kaya wika niya: “Kaya kong laitin at maging bastos sa mga oligarchs dahil hindi ako sangkot sa corruption.” Puwede, aniyang, alamin ng mga opisyal ng PACC ang kanyang bank accounts sa Bangko Sentral ng Pilipinas ( BSP) gamit ang kanilang koneksiyon. Nadarama kaya ng Pangulo ang bigat ng dala niyang bagahe sa hindi maputul- putol na isyung ito? Lagi niyang sinasabi. “Kung gusto ninyong malaman ang laman ng akin bank account, ibibigay ko na sa iyo ngayon.” Ang higit na magpapatib­ay na walang itinatagon­g unexplaine­d wealth ang Pangulo ay ang pagpirma niya ng waiver. Ito lang ang tanging paraan para mawakasan ang isyu at para lalo siyang bumagsik sa mga oligarchs. Ito rin ang tanging paraan na magkaroon ng moral authority ang puwersang nagkokonde­na kay Chief Justice Sereno dahil sa hindi niya kumpletong isinumite ang kanyang SALN. Kung hindi, wala siyang pinag- iba, o mas grabe

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines