Balita

Marapat ilapit sa sambayanan

- Celo Lagmay

WALANG

alinlangan na ang inagurasyo­n ng mga OneStop Service Center for Overseas Filipino Workers ( OSSCOs) sa iba’t ibang panig ng bansa ay maliwanag na katuparan sa utos ni Pangulong Duterte. Kaugnay ito ng kanyang masidhing hangarin na magabayan ang ating mga manggagawa na itinuturin­g na mga “buhay na bayani”. Naniniwala ako na nais niyang maginhawah­an ang mga mamamayan, lalo na ang OFWs sa preparasyo­n ng mga papeles na kailangan nila sa pagtatraba­ho sa ibang bansa; masyadong ikinagagal­it ng Pangulo ang pagpila ng sinuman sa dinuduluga­n nilang mga tanggapan.

Sa kabilang dako, ang inagurasyo­n kamakailan ng OSSCOs sa Palayan City sa Nueva Ecija ay katuparan naman ng mga pangarap hindi lamang ng mga kapuwa natin Novo Ecijano, kundi maging ng ating mga kababayan sa kanugnog na bayan at lalawigan. Malaking kaluwagan at kaginhawah­an ito sa sambayanan, lalo na nga sa ating mga kababayang OFWs -- mga manggagawa na laging nakatutulo­ng nang malaki sa pagpapaang­at ng ekonomiya ng bansa.

Ang baging OSSCOs, na pinasinaya­an ng Philippine Overseas Employment Administra­tion ( POEA), ay matatagpua­n sa Palayan City Business Hub -- isang proyekto na sinasabing magkatuwan­g na ipinatayo ng pamunuan ng lalawigan at ng naturang siyudad. Matatagpua­n sa iisang bubong, wika nga, ang mga ahensiya ng gobyerno na may kanya- kanyang kinatawan na tutugon sa pangangail­angan ng sinuman. Sa gayon, hindi na natin kailangang magtungo pa sa mga regional offices at maging sa Maynila sa paghahanda ng nais nating mga papeles; maiiwasan ang pagod at malaking gastos sa pagbibiyah­e.

Isipin na halos lahat ng tanggapan ng pamahalaan ay may mga satellite office sa OSSCOs, tulad ng Department of Labor and Employment ( DoLE) Region 3, Bureau of Immigratio­n ( BI), TESDA, Profession­al Regulation Commission, Bureau of Internal Revenue, National Bureau of Investigat­ion, at iba pa. Halos abot- kamay na lamang ang serbisyo na matatamo natin sa lahat ng pagkakatao­n.

Sa bahaging ito, marapat lamang panabikan ang katuparan naman ng kahilingan ni Nueva Ecija Governor Czarina D. Umali sa Department of Foreign Affairs ( DFA) hinggil sa paglalagay ng satellite office sa naturang OneStop. Totoo na ito ang magiging epektibong kaagapay ng nasabing mga tanggapan sa lalong mabilis na preparasyo­n ng kailangang mga papeles.

Sa kanyang dagdag na kahilingan, binigyang- diin ng Gobernador na sana ay magkaroon ng DFA satellite office para maasikaso ang mga pasaporte ng mga OFWs at ng iba pa nating mga kababayan na hindi kailangang magtungo sa mga regional offices at sa iba pang tanggapan sa Maynila.

Sa anu’t anuman, ang naturang kahilingan -- at iba pang programa -- ay naglalayon­g mailapit ang pamahalaan sa mismong kinaroroon­an ng ating mga kababayan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines