Balita

KC, kinumpirma ang break-up nila ni Aly

- Ni NITZ MIRALLES

ITO ang huling post ni KC

Concepcion sa social media: “If the stars choose to align us together again in the future, then why not? Who knows what will happen then. Timing is everything. As for me, I’ve decided to fully support him at the same time move on and spread my wings.”

Kumpirmasy­on ito sa ilang linggo na ring espekulasy­on na break na sila ni Aly Borromeo.

Litrato nilang dalawa na nagtatawan­an ang ginamit ni KC sa naturang post at ang dating nito sa nalungkot nilang fans, maayos ang naging break-up nila at nanatili silang magkaibiga­n.

May mga nagduda na hindi totoo ang break-up nina KC at Aly dahil bago ang post ni KC, may lumabas na interview kay Aly na sinabing going strong ang relasyon nila. Pero dahil kinumpirma na ni KC, kahit hindi na magsalita si Aly, alam na ang estado ng kanilang relasyon.

May mga nakahalata na nagkakatab­angan na ang dalawa nang hindi na mag-post si KC ng picture nilang dalawa sa social media account niya. Biglang natigil ‘yun, kaya nakahalata na ang kanilang followers na may hindi magandang nangyayari.

In fairness, hindi pa dine-delete nina KC at Aly sa kani-kanyang Instagram (IG) ang photos nila na magkasama. May mga umaasa pa rin na magkakabal­ikan sila.

Nanghihina­yang ang fans ng dalawa na sa break-up din nauwi ang kanilang relasyon dahil bagay sila at power couple nga ang tawag sa kanila. Saka pabot sina Gabby Concepcion, Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan sa kanilang relasyon Tanggap din ng mga kapatid ni KC si Aly na boyfriend ng kanilang ate kaya tiyak pati sila nalungkot paghihiwal­ay ng dalawa

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines