Balita

Fans ni Rayver, umaangal sa promo

- –Reggee Bonoan

UMAAPELA ang solid supporters ni Rayver Cruz (Kidlat) kung bakit hindi man lang nababasa ang pangalan niya sa press releseases ng Bagani, e, importante naman ang papel niya bilang nagligtas kay Lakas ( Enrique Gil) nang hatulan ng kamatayan ni Dakim ( Christian Vasquez) sa pag-aakala na magiging kalaban din siya tulad ng ama niya na hindi kumampi sa rito.

Idinulog ni Kidlat kay Dakim na kakailanga­nin nila si Lakas lalo’t kapos na sila sa mandirigma para harapin ang mga kalaban.

Si Rayver din ang sumama kay Enrique nang dayuhin nila ang rehiyon ng Kapatagan na plano nilang pasukin para magkaroon sila ng sapat na supply ng pagkain.

Para mabigyan ng tamang sagot ang supporters ni Rayver, nagtanong kami sa taga-Star Creatives na ang paliwanag sa amin ay, “’Tung lima (major characters) po talaga muna ang ipino-promote.”

Oo nga naman, para ma- establish muna ang pagkakakil­anlan ng limang bida ng Bagani na sina Lakas na tagaDisyer­to, Ganda ( Liza Soberano) na tagaPatag, Mayari ( Sofia Andres) na taga-Laot, Dumakulem ( Makisig Morales) na tagaGubat, at Lakam ( Matteo Guidicelli) na taga-Kalakal.

Kahit tauhan ni Dakim si Kidlat ay hindi siya sang-ayon sa lahat ng ginagawa nito at kinailanga­n lang niyang sumunod para mabuhay dahil hindi niya kakayaning mag-isa na kalabanin ang kanilang pinuno. Kaya niya kinaibigan si Lakas para may kakampi siya.

Ayon pa sa katsika naming supporters ni Rayver, “Masaya po kami na finally may serye na siya, ang tagal po kasi bago namin siya mapanood. Sana magtagal siya sa Bagani, sana hanggang dulo.”

Hindi na namin kayang sagutin kung magtatagal ang karakter ni Rayver sa Bagani dahil kakasimula pa lang naman ng epicseryen­g nitong Lunes at hindi ito natitinag sa ratings war ng katapat na programa sa GMA-7.

 ??  ?? Rayver sa ‘Bagani’
Rayver sa ‘Bagani’

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines