Balita

Meghan Markle, nagpabinya­g bago ang kasal kay Prince Harry

-

NAGPABINYA­G

ang U.S. actress na si Meghan Markle sa Archbishop of Canterbury, ang spiritual head of the Church ng England, bago sumapit ang kanyang royal wedding sa May kay Prince Harry ng Britain, ulat ng Daily Mail nitong Huwebes.

Ginanap ang 45-minute ceremony na isinagawa ni Justin Welby, spiritual head ng Anglican communion of millions of Christians globally, sa Chapel Royal sa St James’s Palace sa London nitong Martes, ayon sa pahayagan.

Ang secret baptism ay kaagad na sinundan ng kanyang confirmati­on.

“That’s not something that we are commenting on,” sinabi ng opisina ni Harry tungkol sa ulat. Iniulat ng Mail na dumalo sa okasyon ang ama ni Harry, ang heir- tothe-throne na si Prince Charles at asawa nitong si Camilla ngunit

wala si Queen

Elizabeth, ang titular head of the Church of England.

Isinagawa sa service ang full ritual, na may holy water mula sa River Jordan mula sa private royal family font poured na ibinuhos sa ulo ni Markle, ayon sa pahayagan.

Nang ipinahayag nina When Markle, 36, at Harry, 33, ang kanilang engagement noong Enero, sinabi ng kanyang opisina na si Markle, nag- aral sa Catholic school, ay Protestant­e at bibinyagan at kukumpirma­hin bago sila ikasal sa Mayo 19.

Si Welby ang magkakasal sa kanila sa seremonya sa Windsor castle, ngunit ang service ay isasagawa ng Dean of Windsor.

 ??  ?? Harry at Meghan
Harry at Meghan

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines