Balita

NLEX vs Magnolia sa Final Four series

Laro Ngayon (Araneta Coliseum) 6:30 n.g. – NLEX vs. Magnolia

- Ni MARIVIC AWITAN

SISIMULAN na rin ngayon ang ikalawa at huling pares para sa bestof-seven semifinals series sa 2018 PBA Philippine Cup.

Magtutuos ang Magnolia at NLEX sa Game One ganap na 6:30 ng gabi sa Araneta Coliseum.

Naitakda ang tapatan makaraang manaig ng Road Warriors sa kanilang best -of-3 quarterfin­als series kontra Alaska habang dinispatsa ng second seed Hotshots ang nakatungga­ling no. 7 team Globalport Batang Pier.

Makaraang maihatid ang Road Warriors sa una nitong semis stint, inaasahan na ng kanilang pambatong rookie na animo’y isang beterano sa ipinakikit­a nitong liderato na si Kiefer Ravena ang mas matinding laban na kanilang kakaharapi­n.

Para kay Ravena, isang malaking hamon para sa kanya at sa buong koponan kung paanong mapipigila­n kung hindi man ay malimitaha­n ang lider ng Hotshots na si Paul Lee sampu ng mga kasamahan nito sa backcourt ng Magnolia.

“It’s gonna be a battle. We can’t treat him like invincible siya, na hindi na namin siya mas-stop. We’ll have to find ways, we’ll make a game plan to make it easy on us. Well to find a way, hindi naman sya magiging madali, pero ganun talaga. We have to pick our poison with Paul, with Magnolia na nagpi-peak pa ngayon especially after that momentum-changing win with GlobalPort. Mabigat yun, so we have to brace ourselves talaga,” litanya ni Ravena.

At mukhang may katotohana­n ang kanilang hinuha sapagkat naniniwala naman ang Hotshots na napapanaho­n na upang muli nilang makamit ang inaasam na kampeonato.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines