Balita

Davnor, umigpaw; Dalman ‘winningest athlete’

- Ni ANNIE ABAD

OROQUIETA CITY -- Humakot ng kabuuang limang gintong medalya ang batang swimmer ng Dipolog na si Leano Vince Dalman matapos maidagdag ang dalawang event sa pagpapatul­oy kahapon ng Philippine Sports Commission (PSC) Batang Pinoy Mindanao Leg sa Misamis Occidental Provincial Athletics Complex (MOPAC) dito.

Ipinadama ng 12-anyos na si Dalman ang bangis sa pool nang sungkitin ang 100m Backstroke Boys 12-under sa oras na 1:14.44, gayundin ang 50 meters Butterfly Boys 12-under sa tyempong 31.53 segundo. Nakamit niya ang unang tatlong ginto sa 50m backstroke boys 12-under, 100m Butterfly boys 12-under at 200m individual medley boys 12-under.

Nais ng batang swimmer ng Dipolog na sundan ang yapak ng kanyang idolong swimmer na si Michael Phelps at maging isang kilalang olympic swimmer sa hinaharap.

“Masayang masaya po ako, very proud and thankful po kay God, sa family, sa coach at sa teammate po. Naging malaking inspirasyo­n po sa akin ang pamilya ko at siyempre yung idol ko po na si Michael Phelps, kasi magaling po siya,” pahayag ni Dalman na kung saan ang mismong kapatid din niya na si Leonardo Dalman III ay kasalukuya­n ding lumalaban sa swimming competitio­n sa Japan.

Samantala, pumangalaw­a naman sa 100m backstroke boys under 12 si Ronel Gerad Cucharo ng Davao del Norte sa kanyang 1:19.17 na natapos sa orasan para sa silver at bronze naman ang nakuha ng Iligan City sa pmamagitan ni Joshua Aban sa 1:21.43. Sa 50m butterfly, pumangalaw­a si Rajul Mustaman ng Tawi Tawi sa kanyang naitalang 32.23, habang si Anton Rafaele Malayang ng Bukidnon ang siyang nakapag uwi ng bronze (34.22).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines