Balita

KAPIT, ONALD!

Oranza, nanatiling lider; Navymen, tuloy sa hataw

- CAMILLE ANTE

TARLAC— Nanatili ang red jersey kay Ronald Oranza ng Navy-Standard Insurance matapos manatiling nakadikit sa podium matapos ang Stage Six ng 2018 LBC Ronda Pilipinas na pinagbidah­an ni George Oconer ng Go for Gold kahapon sa Pamahalaaa­ng Panlalawig­an dito.

Magkapanab­ay na tumawid sa finish line ang dalawa na hindi nagtantana­n sa kabuuan ng 111.8-kilometer race na nagsimula sa San Jose, Nueva Ecija para maitala ang magkapareh­ong tyempo na dalawang oras, at 37.04 minuto.

Napanatili ni Oranza ang kapit sa liderato tangan ang kabuuang oras na 20:17:12.

Nagawang bumida ng 26-anyos na pambato ng Villasis, Pangasinan, sa kabila nang mga sugat sa tuhod at kamay nang masangkot siya sa banggaan sa Camiling, Tarlac nang aksidenten­g matumbok ang likuran ng kanyang bisikleta ni Go for Gold Developmen­tal team’s Roel Quitoy matapos masagi ng motorcycle-riding marshal.

Suot pa rin ni Oranza ang red LBC jersey sa pagsikad ng Stage Seven individual time trial simula 8:00 ng umaga simula sa provincial capitol at magtatapos sa Monasterio de Tarlac sa San Jose, Tarlac.

“Makirot, pero okey lang. makakaya naman natin hanggan sa susunod na stages,” pahayag ni Oranza.

Nagtamo rin ng sugat at gasgas sa paa at kamay sina Philippine ArmyBicyco­logy Shop Pfc. Marvin Tapic at Pfc. Merculio Ramos nang masangkot sa hiwalay na insidente sa kalagitnaa­n ng karera.

“Tinamaan ng bike sa likod. For x-ray now,” pahayag ni Bicycology Shop team manager Eric Buhain.

“Pero laban pa din sila! Kanina lumaban ng husto ang Army natin. Nag- berde ang harapan ng peloton. Konting malas lang kasi napasama sa semplang. Konting swerte lang kulang,” aniya.

Natamo naman ng 25-anyos na si Oconer ang unang lap win sa 12-stage cycling marathon na itinataguy­od ng LBC, sa pakikipagt­ulungan ng MVP Sports Foundation, Filinvest, CCN, Petron, Versa.ph, 3Q Sports Event Management, Inc., Boy Kanin, Franzia, Standard Insurance, Bike Xtreme, SH+, Guerciotti, Prolite, Green Planet, Maynilad, NLEX Sports, Lightwater, LBC Foundation at PhilCyclin­g.

Tumatagint­ing na P1 milyon ang naghihinta­y na premyo para sa individual champion.

“Nakaisa rin. Masaya ako, hopefully masundan pa,” sambit ni Oconer, pangatlo sa overall title na pinagwagih­an ni Santy Barnachea ng Team Franzia noong 2015.

Nanatili naman sa No.8 si Oconer na may kabuuang oras na 20:31:22.

Kasama naman ang 32-anyos na si Jan Paul Morales, target ang ‘three-peat’ title, sa peloton may siyam na segundo ang layo para manatili sa No.2 (20:22:20). Tangan naman niya ang pangunguna sa sprint classifica­tion.

 ??  ?? NASA unahan ng peloton ang Philippine Army-Bicycology Shop bago naganap ang banggaan, habang bumida si George Oconer (ibaba) sa Stage Six ng 2018 LBC Ronda Pilipinas.
NASA unahan ng peloton ang Philippine Army-Bicycology Shop bago naganap ang banggaan, habang bumida si George Oconer (ibaba) sa Stage Six ng 2018 LBC Ronda Pilipinas.
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines