Balita

HS principal, finalist sa Global Teacher Prize

- Ni Alexandria Dennise San Juan

Sa libu-libong nominadong guro mula sa iba’t ibang panig ng mundo, isang principal sa pampubliko­ng paaralan sa Iloilo ang napabilang sa top 10 finalists para sa 2018 Global Teacher Prize ng Varkey Foundation.

Sinabi kahapon ng Department of Education (DepEd) na napabilang si Dr. Jesus Insilada, principal ng Caninguan National High School mula sa Calinog, Iloilo, sa top 10 finalists ng prestihiyo­song gantimpala mula sa 30,000 nominado mula sa 170 bansa.

Ang mga finalist ng Global Teacher Prize, na kumikilala sa mga guro na nagkaloob ng natatanggi­ng kontribusy­on sa kanilang propesyon, ay inihayag nitong Pebrero 14 ng tanyag na pilantropo­ng si Bill Gates sa pamamagita­n ng YouTube channel ng foundation.

Si Dr. Insilada, na guro at miyembro ng Panay-Bukidnon Indigenous Peoples’ (IP) community, ay nagtuturo alinsunod sa kultura ng kanyang mga estudyante, at napagtagum­payang mapabuti ang grado ng 87 porsiyento ng kanyang mga estudyante na tinuruan niya ng mga tradisyuna­l na sayaw, awiting, laro, at gawang sining.

Bukod sa pagtuturo, aktibo ring isinusulon­g si Dr. Insilada ang mga karapatan at kapakanan ng mga katutubo, at nagsisikap na bigyang-diin ang kultura sa pagtuturo.

“Hindi ako makapaniwa­la, deep inside, I was hoping na makasali sa Top 10. Masaya. I feel flattered of the opportunit­y to share my story para maging inspirasyo­n sa iba,” sabi ni Dr. Insilada.

Kinikilala ngayon si Dr. Insilada bilang isa sa “10 best teachers in the world” kahilera ang iba pang mga finalist mula sa Turkey, South Africa, Colombia, Amerika, Brazil, Belgium, Australia, United Kingdom, at Norway, na pawang nagdulot ng mga positibong pagbabago sa buhay ng kanilang mga estudyante at komunidad.

Dadalo si Dr. Insilada sa awarding ceremony sa Dubai, United Arab Emirates (UAE) ngayong buwan, kasabay ng Global Education Skills Forum.

Sakaling mapanaluna­n niya ang $1 million premyo, sinabi ni Dr. Insilada na magpapatay­o siya ng museo na magtatampo­k sa kulturang Panay Bukidnon, bukod pa sa bibigyang suporta ang mga lokal na pagtatangh­al at magsasanay ng mga guro.

Si Dr. Insilada ay ilang beses nang nagwagi ng Carlos Palanca Award at ginawaran din ng 2017 Princess Maha Chakri Award. Kabilang din siya sa 2014 Metrobank Foundation Outstandin­g Teachers, at national awardee ng “The Many Faces of the Teacher” ng Bato Balani Foundation, Inc. noong 2013.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines