Balita

Dengue outbreak sa Cavite, posible

- Anthony Giron

Makikipag-usap si Cavite Gov. Jesus Crispin C. Remulla sa Provincial Health Board upang matukoy ang dami ng kaso ng dengue sa pitong distrito ng lalawigan.

Aniya, kasama ang health officials ay magdedekla­ra siya ng province-wide dengue outbreak at isasailali­m sa state of calamity ang probinsiya.

Ito ang plano ng gobernador kasunod ng pahayag ng Provincial Epidemiolo­gy Surveillan­ce Unit (PESU) na may mga ulat ng dengue outbreak sa ilang lungsod at munisipali­dad ng Cavite.

Ngayong weekend, aniya, ay ipatatawag niya sa pulong ang Provincial Health Board para ipatupad ang pronouncem­ents at matukoy ang dapat gawin, partikular sa mga apektadong lugar.

“We have been continuous­ly doing all preventive measures for the past 18 months. But I will convene the Health Board ASAP (as soon as possible),” ani Remulla.

Naalarma ang Provincial Health Office (PHO) at mga residente sa mga kaso ng dengue sa lalawigan matapos matukoy ang higit pang pagdami nito kada linggo, sa unang tatlong buwan ng 2018.

Base sa huling update report, umabot na sa lima ang patay habang 1,392 ang nadengue sa Cavite.

Ayon kay Dr. Nelson C. Soriano, hepe ng PESU, simula Enero 1 hanggang Marso 4 ngayong taon ay tumaas ng 64% ang naitalang dengue sa probinsiya, kumpara sa parehong panahon noong 2017, na tatlo ang nasawi at 850 ang dinapuan ng dengue.

Kinumpirma rin ni Dr. Soriano na may dengue outbreak reports sa ilang lungsod at munisipali­dad ng probinsiya, na hindi muna tinukoy.

Setyembre 19, 2015 nang nagdeklara ng dengue outbreak sa Cavite at isinailali­m din ito sa state of calamity, nang makapagtal­a ng 48 nasawi sa 12,007 nagkasakit.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines