Balita

5 pinosasan sa ‘drug den’

- Mary Ann Santiago

Limang katao, kabilang ang mag-asawang senior citizen, ang inaresto sa umano’y drug den sa Pasig City, nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni Eastern Police District (EPD) Director, Chief Supt. Reynaldo Biay ang mga inaresto na sina George Divina Gracia y Punsalan, 55; Caroline Catapang, 42; Ralph Carlo De Leon, 19; at ang mag-asawang Asuncion Cruz De Leon, 69; at Felix De Leon, 72, na pawang residente ng Barangay Pineda.

Sa ulat na ipinaratin­g ni Senior Supt. Orlando Yebra, hepe ng Pasig City Police, sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Station Drug Enforcemen­t Unit (DEU), Station Intelligen­ce Unit at AntiDrug Abuse Council of Pasig City ( ADCOP) ang bahay ng isang Erick De Leon, alyas Tado, sa De Leon Compound, Purok 3, ng nasabing barangay na nagsisilbi umanong drug den, bandang 3:45 ng hapon.

Sa bisa ng search warrant, na inisyu ni Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 152 Executive Judge Danilo Cruz, hinalughog ng mga pulis ang nasabing bahay at naabutan umanong bumabatak sina Gracia, Catapang, at Ralph Carlo.

Dinampot ang mag-asawang Asuncion at Felix dahil nagsisilbi umanong look-out ang mga ito sa tuwing may pot session.

Nakuha sa mga suspek ang 23 pakete ng hinihinala­ng shabu, timbangan, at drug parapherna­lia.

Kasalukuya­ng nakakulong ang mga suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines