Balita

Pacman, may hinampo kay Arum

- NI MARIO B. CASAYURAN Dagdag na ulat ni Bert de Guzman

INAMIN ni Senator Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao na nsaktan siya sa ginawang aksiyon ng kanyang promoter na si Bob Arum nang ilagay siya sa under card ng world title fight sa pagitan nina Terence Crawford at Jeff Horne.

“Parang ganoon nga.,” pahayag ni Pacquiao sa panayam ni Cely Bueno sa DWIZ radio.

‘’Pangit tignan,” sambit ng eightdivis­ion world champion at dating poundfor-pound king.

Ito umano ang dahilan kung bakit siya umatras sa naturang promotion, gayundin sa alok na laban kay American Mike Alvarado.

Dahil dito, ang MP Promotion na kanyang pagmamay-ari ang nakipag -ayos sa Golden Boy Promotion para sa laban sa Hunyo 24 sa Kuala Lumpur, Malaysia kontra Argentine Lucas Matthysse. “Plantsado na,” aniya. Nauna nang inalok ito sa Mayo, ngunit umatras si Pacman dahil sa maraming trabaho na kailangan pagtuunan sa Senado.

“Hindi naman (maapektuha­n ang trabaho), kasi hindi na kami masyadong busy sa Senado,” aniya.

Inamin ni Pacman na wala pa sa kanyang bokabulary­o ang salitang ‘retirement’.

Samantala, isa nang ganap na Colonel sa Reserve Force ng Armed Forces of the Philippine­s si Pacman matapos kumpirmahi­n ng Commission on Appointmen­t ang kanyang nominasyon.

Bago naging Senador, naging kongresist­a rin si Pacquiao ng Sarangani province.

Ang kumpirmasy­on ng Pambansang Kamay ay inendorso ng CA Committee on National Defense. Bukod kay Pacquiao, kinumpirma rin ang nominasyon nina Sen. Loren Legarda bilang Colonel ng AFP Reserve Force at Speaker Pantaleon Alvarez bilang Colonel sa Philippine Marines.

 ??  ?? Pacquiao at Arum
Pacquiao at Arum

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines