Balita

Warriors at Rockets, naperder ang ‘streak’

-

PORTLAND, Ore. ( AP) – Nakopo ng Portland Trail Blazers ang nine-game winning streak. At nagawa nila ito laban sa defending NBA champion Golden State Warriors.

“I think we’ve done a great job of being sharp in practices and when we go in the film room, we’ve been taking our game seriously — not that we haven’t all season, but I think lately it’s just a different level of focus. It’s more intense,” pahayag ni Portland guard Damian Lillard.

Hataw si Lilard ng 28 puntos, habang kumana si CJ McCollum ng 30 puntos sa 125-108 panalo ng Blazers sa Warriors nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Tangan ng Warriors ang sariling seven-game winmning streak, ngunit hindi umubra ang kanilang bangis, higit at hindi nakalaro sina Stephen Curry, Jordan Bell at Andre Iguodala bunsod ng injury.

Nanguna sa Warriors si Kevin Durant na may 40 puntos. RAPTORS 108, ROCKETS 105

Sa Toronto, hataw sina Kyle Lowry sa nakubrang 30 puntos at tumipa si DeMar DeRozan ng 23 puntos para sandigan ang Raptors ang tuldukan ang 17-game winning streak ng Houston Rockets.

Ratsada si James Harden sa naiskor na 40 puntos, ngunit natikman ng Rockets ang unang kabiguan mula nitong Enero 27 sa New Orleans.

Nag-ambag si Jonas Valanciuna­s ng 14 puntos at 10 rebounds sa Raptors, nagwagi sa ika-pitong sunod na laro.

Kumana sina Clint Capela ng 13 puntos at 13 rebounds sa Rockets, habang humirit sina Chris Paul at Eric Gordon ng tig-14 puntos at umiskor si Trevor Ariza ng 13 puntos. CLIPPERS 116, CAVALIERS 101

Sa Los Angeles, ginapi ng Clippers, sa pangunguna nina DeAndre Jordan na may 20 puntos at 23 rebounds at Tobias Harris na kumana ng 23 puntos, ang Cleveland Cavaliers.

Nagsalansa­n si LeBron James ng 25 puntos at 0 rebounds, habang kumana si Jordan Clarkson ng 21 puntos sa Cavaliers.

Sa iba pang laro, pinabagsak ng Milwaukee Bucks ang New York Knicks, 120-112; tinalo ng Denver Nuggets ang Los Angeles Lakers, 125-116; nailista ng Utah Jazz ang ikalimang sunod na panalo sa 95-78 desisyon kontra Memphis Grizzlies; kinaldag ng Indiana Pacers ang Atlanta Hawks, 112-87.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines