Balita

KUMABIG PA!

ITT Stage 7, kinuha ni Oranza; Navymen, tumatag

-

SAN JOSE, Tarlac – Hindi nagpakabog si Ronald Oranza ng Navy-Standard Insurance para pagbidahan ang 31.5-kilometer Stage Seven Individual Time Trial kahapon at tuluyang makalayo sa mga karibal sa individual classifica­tion ng 2018 LBC Ronda Pilipinas na nagsimula sa Pamahalaan­g Panlalawig­an ng San Jose at natapos sa bulubunduk­ing Monasterio de Tarlac dito.

Huling humirit sa starting line bilang overall individual leader, ratsada ang 26-anyos na si Oranza mula simula hanggang sa huli para higitan ang mga tyempong naunang naitala nina Jay Lampawog ng Go for Gold Developmen­tal team at Navy teammate Ronald Lomotos at efending champion Jan Paul Morales sa oras na 44 minuto at 44 segundo.

Pumangalaw­a si Morales sa tyempong 46:31,kasunod si Roque, runner up sa nakalipas na season, na may 48.26.

Nakopo ni Oranza ang ikatlong stage victory matapos pagbidahan ang Stage One criterium sa Vigan, Ilocos Sur nitong Marso 3 at Vigan-Pagudpud Stage Two.

Bunsod nito, nahila ni Oranza ang bentahe para mapanatili ang red jersey sa anim na minute at 55 segundo sa 12stage cycling marathon na itinataguy­od ng LBC, sa pakikipagt­ulungan ng MVP Sports Foundation, Filinvest, CCN, Petron, Versa.ph, 3Q Sports Event Management, Inc., Boy Kanin, Franzia, Standard Insurance, Bike Xtreme, SH+, Guerciotti, Prolite, Green Planet, Maynilad, NLEX Sports, Lightwater, LBC Foundation at PhilCyclin­g.

Tangan ni Oranza ang kabuuang oras na 21:01:56 laban kay Morales (21:08:51) kasunod si Lampawog, tangan ang MVP yellow jersey na simbolo nang pangunguna sa under-23 rider, na uamkyat sa a No.3 (21:19:31) matapos ma-disqualifi­ed si Ronald Lomotos ng Navy-Standard bunsod nang pananatili sa likuran ni Morales sa nakalipas na mga stage.

Nasa No.4 si Pfc. Cris Joven ng Philippine Army-Bicycology Shop (21:20:02), John Mark Camingao ng Navy (21:20:34), George Oconer ng Go for Gold (21:20:51), Ronnel Hualda ng Go for Gold Developmen­tal team (21:21:29), Rudy Roque ng Navy (21:21:42), Irish Valenzuela ng CCN Superteam (21:22:04) at Junrey Navara (21:22:08).

Sa kabila nang pangingiro­t ng mga sugat na natamo nang masangkot sa banggaan sa Caimiling, Tarlac sa Stage Six, determinad­o ang pambato ng Villasis, Pangasinan na tampukan ang karera.

“Masakit at talagang mahapdi pa. Pinilit ko talagang tiiisin dahil mahirap nang makadikit ang mga karibal natin,” pahayag ni Oranza.

Puntirya niyang makakain pa ng ilang minuto sa pagsikad ng Stage Eight Team Time Trial ngayon sa magsisimul­a sa Kapitolyo at matatapos sa Tarlac Recreation­al Park.

Sa team classifica­tion, hawak ng Navy ang kabuuang oras na 81:23:35, halos 30 minuto ang abante sa Go for Gold Developmen­tal team (81:53:13). Pangatlo ang Army-Bicycology (82:10:37).

 ?? CAMILLE ANTE ?? SALUDO! Nagbigay pugay ang mga karibal ni Ronald Oranza ng Navy-Insurance sa kanyang pagdaan sa palusong na bahagi ng ruta ng Stage Seven Individual Time Trial na kanyang pinagwagih­an kahapon upang tuluyang makalayo sa mga karibal, kabilang na si...
CAMILLE ANTE SALUDO! Nagbigay pugay ang mga karibal ni Ronald Oranza ng Navy-Insurance sa kanyang pagdaan sa palusong na bahagi ng ruta ng Stage Seven Individual Time Trial na kanyang pinagwagih­an kahapon upang tuluyang makalayo sa mga karibal, kabilang na si...
 ??  ?? George Oconer
George Oconer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines