Balita

2 African tiklo sa R2.5- M ‘shabu’

- Ni JUN FABON

Nadakip ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) ang dalawang miyembro umano ng bigtime African drug syndicate, matapos magbenta ng P2.5 milyong halaga ng shabu sa entrapment operation sa Cavite, iniulat kahapon.

Kinilala ni PDEA Director General Aaron N. Aquino ang mga suspek na sina Agu Austin Chukwuebuk­a at Nkwocha Chimaobi, kapwa Nigerian.

Sa imbestigas­yon ng PDEA, nagsagawa ng entrapment operation ang PDEA- Special Enforcemen­t Service, sa pamumuno nina Director Levi Ortiz, PDEA Regional Office IV-A (PDEA RO IV-A) CALABARZON, Director Adrian Alvariño at ng PDEA Regional Office V (PDEA ROV) Camarines Sur Provincial Office, laban sa mga suspek, bandang 2:00 ng hapon nitong Biyernes.

Ayon sa PDEA, binentahan ng mga dayuhan ng 500 gramo ng umano’y shabu, na may street value na P2,500,000, ang isang pulis na nagsilbing poseur-buyer sa parking lot ng isang fastfood chain sa Talaba 4, Bacoor City, Cavite.

Sinasabing kumikilos ang dalawang miyembro ng naturang sindikato at nagsu- supply ng bultu- bultong droga sa buong Bicol Region at CALABARZON.

Sa pagsisiyas­at, nakuha ang mga numero ng dalawang Nigerian kasunod ng pagkakaare­sto ng umano’y big-time drug lord na si Olivia Encinas sa Almeda Highway sa Naga City noong Nobyembre 4, 2017, kasabay ng pagkakadak­ip sa dalawang miyembro ng African Drug Syndicate na sina Solomon Anochiwa at Desmond Ozoma sa Kawit, Cavite.

Kasalukuya­ng nakakulong sina Chukwuebuk­a at Chimaobi sa PDEA sa Quezon City at sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).

 ?? ALVIN KASIBAN ?? TIMBOG! Iniharap sa media ni PDEA Director General Aaron Aquino ang dalawang Nigerian, na sinasabing kasapi ng African Drug Syndicate (ADS), na sina Agu Agustin Chukwuebuk­a at Nkwocha Chimaobi matapos madakip sa entrapment operation sa Bacoor, Cavite,...
ALVIN KASIBAN TIMBOG! Iniharap sa media ni PDEA Director General Aaron Aquino ang dalawang Nigerian, na sinasabing kasapi ng African Drug Syndicate (ADS), na sina Agu Agustin Chukwuebuk­a at Nkwocha Chimaobi matapos madakip sa entrapment operation sa Bacoor, Cavite,...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines