Balita

Subpoena power ng PNP, ‘di maaabuso

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS May ulat ni Martin A. Sadongdong

Tiniyak ng Malacañang sa publiko na hindi maaabuso ang kapangyari­hang ibinigay sa Philippine National Police-Criminal Investigat­ion and Detection Group (PNP-CIDG) upang magpalabas ng subpoena.

Napaulat nitong Biyernes na nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 10973 na nagkakaloo­b sa PNP chief at sa PNPCIDG director at deputy director for administra­tion ng kapangyari­hang magpalabas ng subpoena at subpoena duces tecum kaugnay ng pagiimbest­iga sa mga kaso.

Gayunman, nagpahayag ng pagkabahal­a ang Human Rights Watch (HRW) researcher na si Carlos Conde tungkol sa nasabing bagong batas, sinabing maaari itong maabuso ng matagal nang abusadong mga pulis.

Sa press briefing sa Alimodian, Iloilo kahapon, sinabi ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque na walang basehan ang naging pahayag ni Conde dahil protektado na ng Konstitusy­on ang publiko laban sa abusadong paggamit sa subpoena.

“Meron naman tayong mga umiiral na batas kapag inabuso itong ganitong kapangyari­han. So, kung talagang walang dahilan magsubpoen­a, puwede naman pong kuwestyuni­n ‘yan sa pamamagita­n ng certiorari arguing that it is whimsical, capricious,” katwiran ni Roque.

“Hindi naman po sila mag-o-order ng pagkakakul­ong. Kapag hindi po sinunod ang subpoena, kinakailan­gan pa magsampa sa hukuman ng isang petisyon for indirect contempt,” dagdag niya.

Aniya, makatutulo­ng ang RA10973 upang mapagtibay ang mandato ng PNP na magresolba ng mga krimen.

“This will add more teeth on their mandate to enhance the law and find solution to the criminal cases,” sabi ni Roque. “This subpoena power will give hope to the many victims of crimes who were deprived of justice due to the slow investigat­ion processes as witnesses or respondent­s to crimes cannot be forced to face investigat­ion.”

Ikinatuwa naman ng PNP ang bagong batas, at tulad ng Malacañang ay tiniyak din kahapon ng pulisya na “any attempt to abuse or misuse this power will be promptly checked and offenders will be dealt with accordingl­y”, ayon kay Chief Supt. John Bulalacao, tagapagsal­ita ng PNP.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines