Balita

Dingdong at Anne, isang linggo ang shooting sa Japan

- Ni NORA CALDERON

ISANG linggo ang shooting nina Dingdong Dantes at Anne Curtis sa Japan para sa ilang eksena ng pelikula nilang Sid and Aya (Not

A Love Story) for Viva Entertainm­ent at N2 Production­s nina Neil

Arce at Boy2 Quizon. Last Wednesday sila nagsimula, kaya sa Miyerkules din sila matatapos kung hindi magkakaabe­rya.

Naunang lumipad si Dingdong with his manager Perry Lansigan at Wednesday evening naman sumunod si Anne.

Ssa Shinjuku sa Tokyo ang una nilang location.

Ang pelikula ay ipoprodyus ng Joyce Bernal Production­s for Viva/N2 sa direksiyon ni Irene Villamor na siya ring namahala sa Meet Me

in St. Gallen na patuloy pa ring ipinapalab­as sa mga sinehan.

Ito na ang simula ng pamamahing­a muna ni Direk Joyce sa

pagdidirek ng mga teleserye at pelikula. Mas gusto muna niyang mag-concentrat­e sa pagpuprodu­ce ng mga pelikula nila sa kanyang production at sa Spring Films nila ni Piolo Pascual.

Samantala, pagkatapos ng shooting ni Dingdong sa Japan, uupuan naman niya ang bago niyang project sa GMA-7. Ayon sa nakausap naming Kapuso insider, may projects nang iooffer ang GMA kay Dingdong at sa wife niyang si Marian

Rivera. Malamang daw na simulan na ang production nito pagbalik nina Dong at Marian mula sa ilang araw na bakasyon sa Europe kasama ang unica hija nilang si Zia.

Matagal nang gustong ma-meet ng personal si Baby Zia ng kanyang Lolo Fran at iba pa nilang relatives

 ??  ?? Dingdong at Anne
Dingdong at Anne

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines