Balita

Away nina Demi Lovato at Nicki Minaj, umiinit uli

- People

IBINAHAGI ni Demi Lovato ang tungkol sa kanyang “terrible experience” sa 2016 Met Gala, at ibinunyag na muntik nang maubos ang kanyang pasensiya dahil sa “one celebrity (who) was a complete bitch” sa kanya.

Bagamat hindi niya pinangalan­an kung sino ito, sinabi ng 25 taong gulang na singer sa Billboard na “miserable to be around” ang naturang celebrity. Nang lumabas ang cover story, nagsuspets­a ang fans na maaaring tungkol ito sa naging alitan ng Confident singer at ni Nicki Minaj, nang sabay silang isama ni

Jeremy Scott sa fashion soirée nang taong iyon. Nagsimula ang alitan nang mag-post sa Instagram si Minaj ng larawang kuha sa red carpet katabi sina Scott at Lovato, ngunit ang itinag lang nito ay ang designer.

Napansin ni Lovato na hindi siya binanggit man lamang sa post, at nagkomento siya sa post ng nakatawang emoji, peace sign at thumbs up.

Kalaunan ay nag-post din siya ng kaparehong larawang na may caption na: “This picture pretty much summed up my first and probably last met #cool#sof — ingawkward #notforme #sweatpants #forensicfi­les #whatsgood.”

Idinagdag pa niyang, “p.s. some of y’all need to learn how to take a joke... I’m obviously laughing at the fact that 1. I look incredibly awkward and 2. That the shade being thrown in this picture actually gives me life.”

Nag-post din si Demi sa Snapchat ng kanyang selfie, na ang itsura ay thinking face emoji na may caption na: “When you aren’t mentioned in a post but didn’t do s— to the other person.” Hindi pa isinisiwal­at ni Lovato ang pangalan ng celebrity o kung aaminin ba niyang si Minaj ang kanyang tinutukoy.

Samantala, idinetalye ni Lovato na na maaga siyang umalis nang gabing iyon sa Met upang dumalo sa 10 p.m. Alcoholics Anonymous meeting sa N.Y.C.

“It was very cliquey. I remember being so uncomforta­ble that I wanted to drink,” pagbabalik­tanaw niya. “I changed my clothes, but I still had my diamonds on — millions of dollars of diamonds on in an AA meeting.”

“I related more to the homeless people in that meeting who struggled with the same struggles that I deal with than the people at the Met Gala — fake and sucking the fashion industry’s d—.”

Mahigit limang taon nang maayos ang kondisyon ni Lovato simula nang magpagamot sa kanyang bipolar disorder, bulimia, pananakit ng sarili at substance abuse, at mula noon ay naging vocal tungkol sa kanyang patuloy na paggaling.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines