Taylor Swift at Joe Alwyn nag-relax sa Malibu
MUKHANG going strong ang relasyon nina Taylor Swift at Joe Alwyn.
Bago ilabas ang pinakaaabangang music video niya para sa Delicate sa iHeartRadio Music Awards (na nominado si Swift para sa limang award) ngayong linggo, nag- relax muna ang magkasintahan habang nagha-hiking sa Malibu.
Cute at kaswal ang dalaga sa suot na shorts, gray tank top at sneakers at blue jeans naman ang suot ng aktor na hindi gaanong komportableng kasuotan kapag nagha-hiking.
Habang umaakyat , namataang magkahawak-kamay ang dalawa at mukhang may seryosong pinag-usapan.
“Taylor is preparing for her tour and spending a lot of time in L.A. Joe doesn’t have any upcoming projects so they are also enjoying time together,” lahad ng source.
Mula nang magkaroon ng karelasyon noong nakaraang taon, pinananatiling pribado nina Swift, 28, at Alwyn, 27, ang kanilang relasyon.
Dagdag pa ng source: “She still wants to keep her relationship quiet, and so far it’s been working. She loves dating Joe.”
Huling namataan ng publiko ang magkasintahan n o on g Disyembre, sa ilang beses na pagtatanghal ng singer sa iHeartRadio’s Jingle Ball. Habang nasa London, nakunan ng litrato ang dalawa na sumasayaw sa awiting Perfect ni Ed Sheeran.
“It’s a great relationship that everyone hopes will last,” sabi ng source sa
PEOPLE noon. “Joe could definitely be the one.”