Balita

Emma Watson at Chord Overstreet, namataang magka-holding hands

- People

MUKHANG may bagong lalaki sa buhay ni Emma Watson. Namataan nitong Biyernes ang Harry Potter alum, 27, na naglalakad sa kalsada na kahawakkam­ay ang Glee star na si Chord Overstreet. Mukhang masaya ang aktres habang kasamang namamasyal ang 29 taong gulang na aktor at musikero.

“They have been dating for a little bit now, but it’s still pretty new,” lahad ng source sa PEOPLE.

“They met through friends,” dagdag pa ng source. “They might seem like an odd match but they actually have very similar personalit­ies.”

Unang namataan na magkasama ang dalawa nang sabay na umalis sa Vanity Fair Oscars party nitong Linggo ng gabi, kasama ang mga kaibigan.

Nakipaghiw­alay si Watson sa kanyang huling boyfriend na si tech manager William “Mack” Knight noong nakaraang Nobyembre, na iniulat ng

Page Six. Nagsimulan­g lumabas ang mga balitw tungkol sa kanilang relasyon noong 2016.

Nagsalita rin si Watson sa March 2017 issue ng Vanity Fair tungkol sa hangarin niyang maging pribado ang kanyang personal na buhay, ( kaya hindi niya pinangalan­an si Knight).

“I want to be consistent: I can’t talk about my boyfriend in an interview and then expect people not to take paparazzi pictures of me walking around outside my home. You can’t have it both ways,” aniya. “I’ve noticed, in Hollywood, who you’re dating gets tied up into your film promotion and becomes part of the performanc­e and the circus. I would hate anyone that I were with to feel like they were in any way part of a show or an act.”

Ang hiwalayan ni Watson at ni Knight ang unang naiulat na relasyon ng dalaga makaraan ng kanyang “horrendous” na pakikipagh­iwalay sa ex-boyfriend na si Matthew Janney noong Disyembre 2014.

“I felt really uncomforta­ble,” lahad niya sa Vogue U.K. tungkol sa kanyang pagiging single. “Even before my relationsh­ip ended, I went on a silent retreat, because I really wanted to figure out how to be at home with myself.”

 ??  ?? Emma at Chord
Emma at Chord

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines