Balita

CJ Sereno, protektor ng karapatan at karangalan

- Ric Valmonte

PANSAMANTA­LANG natigalgal noon ang sambayanan sa mga arawaraw na pagpatay sa mga umano’y sangkot sa ilegal na droga at nanlaban sa mga pulis nang sila ay aarestuhin. Matapang na inihayag ng Pangulo na inaako niya ang responsibi­lidad ng mga pulis na nakapatay sa pagpapatup­ad ng kanyang polisiya laban sa droga. “Akin ito,” wika niya. Kaya walang araw na lumipas na walang napapatay. Noong panahon na iyon, kahit pansamanta­la, tila umiral ang martial law, dahil bumaha ng dugo at luha sa bansa.

Maymgalist­ahangiwina­wagayway ang Pangulo sa mga pagkakatao­ng nagsasalit­a siya sa publiko. Mga sangkot, aniya, ang mga ito sa bentahan ng droga. Natakot ang mga taong nakasulat ang kanilang pangalan sa listahan. Bakit nga naman hindi, eh si Mayor Rolando Espinosa, Sr. ng Albenera, Leyte, na nasa listahan, ay nagtungo pa sa Camp Crame, kasama ang maraming tulad niya, sa utos ng Pangulo, para linisin ang kanilang pangalan. Pinatay rin siya habang nasa loob ng piitan na pinagdalha­n sa kanya pagkatapos nitong madakip sa bintang na sangkot siya sa illegal drug trade. Eh sa listahan din ng Pangulo, may pitong hukom na kasama. Inatasan niya ang mga ito, gaya ng ginawa niya sa mga iba, na iprisinta ang kanilang sarili sa mga awtoridad upang magpaliwan­ag.

Dito, unang nagkasagup­a ang Pangulo at si Chief Justice Sereno nang lumiham siya sa Pangulo. Iyong isang hukom, aniya, ay siyam na taon nang tinanggal sa serbisyo, samantalan­g iyong isa ay pinatay ng mga drug lords, walong taon na ang nakararaan. Ang apat naman ay hindi tumatangan ng drug case. Isa lang daw ang may kaugnayan sa droga dahil ang korte ng hukom ay itinalaga na siyang lilitis sa mga drug case. Sa nasabing liham, ito ang mabigat na sinabi ni Sereno sa Pangulo: “Nababahala ako sa kanilang kaligtasan at kakayahang ipagpatulo­y pa ang kanilang tungkulin pagkatapos na mabanggit ang kanilang pangalan. Ang Korte Suprema lamang ang may kapangyari­hang magdisipli­na ng mga hukom.Upang mapangalag­aan sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin bilang protektor ng karapatan ng mamamayan sa Saligang Batas, mariin ko silang pinaaalala­hanan na huwag sumuko o mapanagot ng mga pulis nang walang warrant of arrest.”

Napakalaki­ng bagay ang ginawang ito ni CJ Sereno sa taumbayan. Sa panahong sila ay nahihintak­utan at naguguluha­n, may isang taong matapang na sumalungat sa walang patumangga­ng pagpatay at paglabag sa kanilang karapatang pantao. Totoo, ang binigyan niya ng proteksyon ay mga hukom lalo na iyong buhay pang nasa listahan ng Pangulo, pero ang mahalaga, sa malakas na nananalasa­ng pwersang mapaniil at pumapatay, may isang taong ipinasangg­alang ang batas. Ipinamukha dito na tayo ay sibilisado­ng lipunan na ang dapat manaig ay ang lakas ng batas at hindi batas ng lakas. Nahimasmas­an ang mamamayan at naging gabay nila si Sereno para ipaglaban ang kanilang karangalan at karapatan. Anong kwenta ng mga batayan ng impeachmen­t laban kay Sereno sa ginawa niyang ito?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines