Balita

Faeldon laya na

- Leonel M. Abasola at Jean Fernando

Laya na si dating Bureau of Customs (Boc) Commission­er Nicanor Faeldon matapos siyang payagan ng Senate Blue Ribbon Committee na makauwi na sa kanila makaraang mangako na sasagot nang maayos sa mga tanong ng mga senador.

Bago matapos ang pagdinig ng komite kahapon hinggil sa P6.5bilyon halaga ng shabu na ipinuslit sa bansa, pinalaya na si Faeldon makaraang ikulong sa Pasay City Jail (PCJ) nitong Enero 29.

Setyembre 2017 nang makulong si Faeldon sa Senado matapos na i-cite for contempt ng komite dahil sa hindi pagsagot nang maayos sa katanungan ng mga senador.

“We will call you on cognizance that when we ask you a question there will be no more back-talking and you will answer the questions directly,” sinabi ni Senator Richard Gordon, chairman ng komite, na tinugon naman ni Faeldon ng “Yes, your honor.”

Sinabi ni Gordon na tanging respeto lamang ang nais ng Senado at hindi, aniya, siya magdadalaw­ang-isip na muling ipakulong si Faeldon kung patuloy nitong bibirahin ang Mataas na Kapulungan.

Habang nakakulong si Faeldon, nagsampa rin siya ng reklamo laban kina Senators Antonio Trillanes IV at Panfilo Lacson, na parehong na-dismiss na ng Senate ethics committee.

Samantala, bandang 7:55 ng uma- ga nang palayain sa PCJ si Faeldon, at sinundo siya ng mga tauhan ng Senate Sergeant-At-Arms.

Sinabi naman ni Faeldon na uuwi muna siya sa bahay para magpahinga bago simulan ang trabaho bilang deputy administra­tor ng Office of Civil Defense (OCD).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines