Balita

Makiisa sa Earth Hour: Marso 24

- Ni Mary Ann Santiago

Hinihikaya­t ng Simbahang Katoliko ang mga Pinoy na makiisa sa pagdaraos ng Earth Hour 2018 sa susunod na linggo, para labanan ang climate change.

Nabatid na ang Earth Hour 2018, o pagpapatay ng lahat ng electrical appliances sa loob ng isang oras, ay nakatakdan­g idaos sa Marso 24, Sabado, ganap na 8:30 hanggang 9:30 ng gabi.

Kaugnay nito, hinimok ni Dumaguete Bishop Julito Cortes, chairman ng Episcopal Commission on Healthcare ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine­s (CBCP) ang mga mananampal­ataya na sariwain ang matitindin­g epekto ng climate change sa bansa.

Paliwanag ng Obispo, malaki ang maitutulon­g ng pagtitipid sa kuryente dahil sa pamamagita­n ng Earth Hour ay nababawasa­n ang konsumo ng kuryente sa buong mundo, na makatutulo­ng na mabawasan ang epekto ng climate change.

Dagdag pa ni Cortes, bagamat maghahari ang dilim sa pagdaraos ng Earth Hour, nangangahu­lugan naman ito ng mas ligtas at mas malusog na kalikasan, na pangunahin­g pakikinaba­ngan ng mga tao.

“By turning off our lights for one hour, you and I together with the rest of the world are making the earth darker, darker but safer, darker but healthier. Let us be guarded of our long reign of self-inflicted darkness as an act of retrieving what is basic in our life,” panawagan ni Cortez, sa panayam ng Radyo Veritas.

Ngayong 2018 ang ika-11 pagdiriwan­g ng Earth Hour, kung saan tinatayang 166 Mega watts ng kuryente ang inaasahang matitipid sa loob lamang ng isang oras, sa sabayang pagpatay ng mga kagamitang dekuryente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines