Balita

TRO sa suspension ng 4 na ERC commission­ers, ipinababas­ura

- Rey G. Panaligan

Hiniling kahapon sa Supreme Court (SC) na ipawalang-bisa ang 60day restrainin­g order na inilabas ng Court of Appeals (CA) para pigilin ang isang taong suspensiyo­n na ipinataw ng Office of the Ombudsman sa apat na commission­ers ng Energy Regulatory Commission.

Sinabi sa petisyon ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, Inc. (APBPI) na nakagawa ng grave abuse of discretion ang CA na matumbas ng lack or excess of jurisdicti­on sa pag-isyu ng 60-day temporary restrainin­g order (TRO).

Sinuspinde ng Office of the Ombudsman noong Disyembre 11, 2017 sina ERC Commission­ers Alfredo Non, Gloria Victoria Yap-Taruc, Josefina Patricia Asirit, at Geronimo Sta. Ana matapos mapatunaya­ng nagkasala ng conduct prejudicia­l to the best interest of the service at simple neglect of duty. Kaugnay ito sa pagpahintu­lot sa electric utilities na huwag nang magsagawa ng bidding ng kanilang power supply agreements (PSAs).

Nag-ugat ang kaso laban sa apat na commission­er sa desisyon ng ERC na ilipat ang deadline para sa compliance sa competitiv­e selection process (CSP) mula Nob. 6, 2015 sa Abril 30, 2016, kaya’t naexempt ang power supply agreements (PSA) sa transparen­t at public bidding na nakasaad sa CSP.

Nagdesisyo­n ang Ombudsman na nakagawa ng “gross inexcusabl­e negligence” ang apat na commission­ers sa pag-antala sa implementa­syon ng CSP.

Iniakyat ng apat na commission­ers ang kaso sa CA, na sa resolusyon noong Pebrero 9, 2018 ay naglabas ng 60-day TRO “in order not to impair public service” dahil simula noon wala pang itinatalag­ang kapalit ng apat na commission­ers ang Office of the President.

Iginiit ng APBPI sa kanilang petisyon na walang kapangyari­han ang CA na pigilin ang desisyon ng Office of the Ombudsman.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines