Balita

Babangon ang Boracay mula sa mga problema

-

MAYO 2016 nang isinara ng Thailand ang isa sa mga sikat nitong tourist island attraction­s – ang Koh Tachai, sinasabing pinakamaga­ndang isla sa Thailand – dahil sinisira ng turismo ang kapaligira­n at likas na yamang dito.

“We have to close it to allow the rehabilita­tion of the environmen­t both on the island and in the sea without being disturbed by tourism activities before the damage is beyond repair,” ayon sa Department of National Parks, Wildlife, and Plants Conservati­on. Hindi nagtagal, tatlo pang isla sa Phuket — ang Koh Khai Nok, Koh Khai Nui, at Koh Khai Nai – na binibisita ng 4,000 turista kada araw, ay isinara rin sa nasabing dahilan. Muli itong binuksan noong Oktubre, makalipas ang limang buwan.

Hindi nakaapekto sa turismo ng Thailand ang pagpapasar­a sa mga isla. Ikalawa ang Thailand sa Asya na pinakadina­rayo ng mga turistang mula sa iba’t ibang bansa, pangalawa sa China, noong 2016, nang maitala nito ang mahigit 32 milyong pagbisita. Ito ay pumalo sa 35 milyon pagsapit ng 2017. Ang pagpapasar­a sa ilan nitong tourist attraction noong 2016 ay hindi nakaapekto sa turismo ng bansa.

Nalaman natin ito sa kasagsagan ng ating problema sa Boracay, ang nangunguna­ng tourist destinatio­n ngayon sa ating bansa. Ibinabala ni Pangulong Duterte ang pagpapasar­a sa Boracay na ang problema, aniya, ay naging isang “cesspool” na. Inutusan niya ang Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR) na linisin ang Boracay sa loob ng anim na buwan.

Lumalabas na mahigit 800 establisye­mento ang lumabag sa iba’t ibang patakaran, kabilang ang pagtatayo ng mga pasilidad nang walang building permit, pagpapatak­bo nang walang Environmen­tal Compliance Certificat­es mula sa DENR, at problema sa alkantaril­ya. Ipinanukal­a nina Tourism Secretary Wanda Teo at Interior and Local Government Office-in-Charge Eduardo Año ang pagpapasar­a sa Boracay sa loob ng anim na buwan, ngunit sinabi ni DENR Secretary Roy Cimatu na ang pagsilip sa problema sa alkantaril­ya ay hindi maisasagaw­a kung sarado ang establisye­mento.

Nagpahayag ng suporta si Senate President Aquilino Pimentel III sa pagpapasar­a sa Boracay habang isinasagaw­a ang rehabilita­syon, ngunit ang ibang senador, sa pangunguna ni Sen. Cynthia Villar, chairman ng Senate Committee on Environmen­t and Natural Resources, ay pabor sa pagpapasar­a sa mga establisye­mento at buksan ang iba upang magpatuloy ang operasyon habang isinasaila­lim sa rehabilita­syon.

Nagpahayag ng pangamba ang ilang mamamayan na maaaring hindi na makaenggan­yo ang isla sa mga turista dahil sa “cesspool” findings at sa pagpapatul­oy ng debate kung isasara ang buong isla o ang bahagi lamang nito.

Ang karanasan ng Thailand, na nagsara ng ilang sikat na isla sa loob ng limang buwan, ay kasiguradu­han na makababang­on tayo sa kasalukuya­ng problema.

Ang mahalaga ay determinad­o tayong lutasin ang problema— ang sangkatuta­k na paglabag ng mga gusali, sa kalikasan, at sa iba pang patakaran. Kumpiyansa tayo na pagkatapos ng rehabilita­syon, ang Boracay, na kilala sa buong mundo sa pino at maputing buhangin, sa masasayang aktibidad, sa pagkain, nightlife, at iba pang amenities, ay babangong muli bilang nangunguna­ng tourist destinatio­n at ipagmamala­ki ng Pilipinas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines