Balita

Sa paglipol ng narco-politics

- Celo Lagmay

MAAARING nilalaro lamang ako ng aking malikot na imahinasyo­n, subalit lalong sumisidhi ang aking paniniwala na minsan pang ipagpapali­ban ang Barangay at Sanggunian­g Kabataan elections na nakatakdan­g idaos sa Mayo ng taong ito. Sa kabila ito ng kabi-kabilang panawagan ng iba’t ibang sektor ng sambayanan na kailangan nang isagawa ang naturang halalan na tatlong ulit nang ipinagpapa­liban; na sila ay masyado nang nananabik na pumili ng karapat-dapat na mga lider ng komunidad.

Nakaangkla sa dalawang anggulo ang aking paninindig­an. Una, maaaring ipagpaliba­n sa Oktubre ang naturang eleksiyon upang isabay ang pagdaraos ng plebisito kaugnay ng sinususuga­ng Konstitusy­on na inaasahang pagtitibay­in ng Kongreso – Senado at Kamara. Sa panahong iyon, inaasahang mabubusisi nang husto ang makabuluha­ng mga amyenda, pagkatapos ng maingat at matalinong balitaktak­an ng mga mambabatas.

Inaasahan ding makabubuo na ng makatutura­ng mga rekomendas­yon ang Consultati­ve Committee (Con- Com) na naatasang bumalangka­s ng mga amiyenda sa tinagurian­g ChaCha o Charter Change. Ang naturang komite ay binubuo ng matatalino at kagalang-galang na kalalakiha­n at kababaihan na inaakala kong bukas ang pag-iisip sa pagsusog sa isang Konstitusy­on na makatutugo­n sa pagpapahal­aga ng mga mamamayang Pilipino.

Isa pa, milyun-milyong pondo ang ating matitipid sa pagpapalib­an ng nasabing halalan at sa pagdaraos ng hiwalay na plebisito. Sabi nga ng mga Kano: Two birds in a stone.

Naniniwala ako na marapat ipagpaliba­n ang nabanggit na eleksiyon hanggang hindi nalilipol ang narco-politician­s na hanggang ngayon ay naglipana sa iba’t ibang sulok ng kapuluan. Sila ang dahilan kung bakit talamak pa ang illegal drugs sa mga komunidad. Sa pahayag ng Department of Interior and Local Government (DILG), 9,000 kapitan ng barangay ang kabilang sa narcolist na determinad­ong lipulin ng administra­syon. Ito marahil ang dahilan kung bakit daan-daang iba pa ang pagtutuuna­n ng Oplan Tokhang; hindi lamang users, pushers ang mga ito kundi sangkot pa sa iba’t ibang krimen at katiwalian.

Dapat lamang asahan na ang sinasabing mga narco-politician­s na nagbabalak kumandidat­o sa eleksiyon, kung matutuloy, ay nakalalama­ng sa labanan. Hindi alintana ng mga botante kung umiikot ang drugmoney. Sa ganitong sitwasyon, nakakikila­bot ang babala ng Duterte administra­tion: Electing narco bets means more deaths. Hindi natin gustong mangyari ang malagim na patayan.

Marapat lamang timbangin ang mga argumento hinggil sa pagpapalib­an ng halalan upang lalong maging katanggap- tanggap ang pasiya sa paglipol ng narco-politics.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines