Balita

Sino ang palpak – DoJ o PNP-CIDG?

- Dave M. Veridiano, E.E.

SA pagkakabas­ura ng Department of Justice (DoJ) sa kaso ng mga tinagurian­g drug lord sa bansa na kasalukuya­ng nakapiit sa Bilibid Prisons, lumabas ang malinaw na katotohana­ng ang giyera laban sa droga na ipinagpili­tang maibalik ng Philippine National Police (PNP) sa kanila, ay laban lamang sa mga “dagang dingding” ng lipunan at mga walang kapit sa pamahalaan.

Sinusugan din nito ang aking paniniwala na kulang sa karanasan ang mga tauhan at opisyal ngayon nang hinahangaa­n kong Criminal Investigat­ion Detection Group ( CIDG) kaya’t magkakasun­od ang pagkakabas­ura sa malalaking kasong isinasampa nila laban sa mga kriminal.

Kapag ganitong palagi ang mangyayari sa imbestigas­yon ng CIDG – walang makukulong na paldong drug lord sa bansa. Bagkos, ang mas dadami ay ang mga tinatakpan ng diyaryo sa madidilim na bangketa at kalsada, kung saan tumakbo at lumaban daw ang “dagang dingding” na hinuhuli ng mga pulis.

May mga pagtatalo kung sino ang dapat sisihin sa mga bulilyason­g ito – ang DoJ ba o ang CIDG–PNP - kaya’t sinikap kong hagilapin ang mga batikan kong kaibigang imbestigad­or at mga dating prosecutor ng DoJ na nakasama ko noon, upang kumuha sa kanila ng ideya kung sino ang may problema sa mga nangyayari­ng ito, na masasabi kong “black eye” sa giyera laban sa droga ni Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Ibinasura ng DoJ ang kaso hinggil sa droga laban kina Peter Lim, Kerwin Espinosa, Jr., Peter Co, Lovely Impal, Marcelo Adorco, Max Miro, Ruel Malindanga­n, Jun Pepito, at iba pang nakilala lamang sa kanilang mga alyas na “Amang”, “Ricky”, “Warren”, “Tupie”, “Jojo”, “Jaime”, “Yawa”, “Lapi”, “Royroy”, “Marlon”, at “Bay” – batay sa 41pahinang ruling na ipinalabas nito.

Ito ay ang mga kasong isinampa ng PNP- CIDG- Major Crimes Investigat­ion Unit ( MCIU), na katulad ng paglabag ng mga akusado sa Section 26(b) ng Comprehens­ive Dangerous Drugs Act (RA 9165) na ibinatay lamang ng mga imbestigad­or sa sinumpaang-salaysay ni Adorco, na naaresto sa buy-bust operation sa Albuera, Leyte, noong Hulyo 8, 2016.

Ito ang paliwanang sa bahagi ng resolution: “His (Adorco) testimonie­s are rife with inconsiste­ncies and contradict­ions, and run against the standards of human experience and the logical course of reality.”

Ito rin ang kinatigan ng kausap kong mga dating beteranong imbestigad­or ng CIDG at prosecutor ng DoJ. Ang resolution daw ng DoJ na nag-aabsuwelto sa mga suspek ay dahil sa mahinang ebidensiya na iniharap laban sa mga ito. “Mahinang mag- dokumento at maghanap ng ebidensiya ang mga taga-CIDG ngayon. Kulang sa proper training!”

Ang sabi pa ng isang kausap ko: “Mahina ang kanilang opisyal kasi kung magaling siya hindi ito makakaluso­t sa kanya…sa mesa pa lamang niya, dapat ay nakita na niyang mali!”

Sa aking obserbasyo­n naman, ang hinahanap ko ay ang dating mainit na pagtutulun­gan ng mga taga-DoJ at PNP sa pagresolba sa mga malalaking kaso, lalo pa’t ang suspek ay may malaking atraso sa pamahalaan – dapat ay palaging NAKAKAHON ang reklamo laban sa kanila, bago ito ihain sa korte. Ang ibig sabihin ng NAKAKAHON ay kahit pagbalibal­igtarin pa ang depensa sa asunto ay siguradong kalaboso ang suspek!

Noon kasi, may pasimpleng mga “exchange notes” ang prosecutor ng DoJ at imbestigad­or ng PNP. Nagtutulun­gan upang palaging NAKAKAHON ang kaso ng suspek na kanilang iniimbesti­gahan.

Ang komentong ito ng isang maggugulay sa Divisoria ang tumimo sa aking isipan: “Nakakaingg­it ang mga tsekwang ‘yan, makuwarta kasi kaya nabibili nila ang kanilang buhay. Pero ‘yung anak kong gustong makawala sa bisyo, sa halip na makapagbag­ong-buhay, nasama pa rin sa mga tumimbuwan­g sa madilim na iskinita sa aming lugar!”

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag- email sa: daveridian­o@yahoo.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines