Balita

‘TODO NA ‘TO!

Overall leadership sa Ronda, patitibayi­n ni Oranza at Navymen

-

SILANG, Cavite – Nasa unahan ng pulutong ulutong si Ronald Oranza ng NavyStanda­rd tandard Insurance. Ngunit, hindi ito d dahilan hil para magpa-petiks ik ang red jersey owner. May tatlong araw na pahinga para sa mga tinagurian­g ‘road warriors’, subalit imbes na magsiesta, kaagad na tinahak ni Oranza ang ruta para maging pamilyar bago ang pagsikad ng Stage 9 ng 2018 LBC Ronda Pilipinas sa Huwebes.

Napanatili ng 25-anyos ang tangan sa overall individual classifica­tion matapos ang apat na podium finishes, tampok ang tatlong stage victory para makalikom ng kabuuang 21 oras, isang minuto i at 56 segundo d --- hl halos pitong i minuto ang layo niya sa kasangga at two-time defending champion Jan Paul Morales. Nakabuntot si Go for Gold Developmen­tal team’s Jay Lampawog (21:19:31).

Kabilang sa top 10 sina Pfc. Cris Joven ng Philippine Army-Bicycology (21:20:02), Navy’s John Mark Camingao (21:20:24), Go for Gold’s George Oconer (21:20:51), Go for Gold Developmen­tal team’s Ronnel Hualda (21:21:29), Navy’s Rudy Roque (21:21:42), CCN S Superteam’s ’ I Irish i hV Valenzuela l l (21 (21:22:04) 22 04) at Navy’s Junrey Navara (21:22:08).

Sa kabila nito, ayaw pakumpiyan­sa ni Oranza. Aminado siya na hindi pa sapat ang kanyang bentahe at isang pagkakamal­i lamang ay maaring magdulot nang kabiguan.

“Hindi puwede mag-relax. Kailangan maging matalino sa laban. Walang makapagsas­abi na magkakaroo­n ka ng aberya o mainvolved sa aksidete. Siyemre extra ingat kami, wala tayong magagawa k kapag sinubok i bk ng pagkakatao­n,” kk ” pahayag ni Oranza.

Tunay na mapaghamon ang susunod na tatlong ruta, simula ang 207.2km Silang-Tagaytay Stage Nine sa Huwebes, 147.8km Tagaytay-Calaca Stage 10 sa Biyernes at 92.72km CalacaCala­ca Stage 11 sa Sabado.

Naghihinta­y ang P1 milyon sa kampeon sa pamosong cycling marathon na itinataguy­od ng LBC, sa pakikipagt­ulungan ng MVP Sports Foundation, Filinvest, Philippine R Rabbit, bbi CCN CCN, P Petron, V Versa.ph, h 3Q Sports Event Management, Inc., Boy Kanin, Franzia, Standard Insurance, Bike Xtreme, SH+, Guerciotti, Prolite, Green Planet, Maynilad, NLEX Sports, Lightwater, LBC Foundation at PhilCyclin­g.

Magtatapos ang karera sa magaan na Stage 12 Criterium sa Filinvest, Alabang sa Linggo.

 ?? CAMILLE ANTE ?? KAAGAD na sumabak sa ensayo ang Philippine Army-Bicycology Shop para makabawi sa huling apat na stage ng 2018 LBC Ronda Pilipinas.
CAMILLE ANTE KAAGAD na sumabak sa ensayo ang Philippine Army-Bicycology Shop para makabawi sa huling apat na stage ng 2018 LBC Ronda Pilipinas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines