Balita

Robin at Mariel, maagang tinuturuan ng disiplina si Isabella

- –Reggee Bonoan

N

AKAKATUWAN­G panoorin ang

ipinost na video ni Robin Padilla sa Instagram na habang nililinis niya at ng mga kasama sa bahay ang kanilang malaking garahe ay nakikilini­s din ang anak nila ni Mariel Rodriguez na si Isabella.

Ang caption ni Binoe: “Operation LINIS ng mga lumang rubber mats at courtyard. Maraming salamat sa Nanay kapitan @marieltpad­illa kay Ninang @ analynyura­gtequin Midwife sister Jo, Yaya Belen, Cook Ate Erna, SA Ana, SA Narcisa at kay student @mariaisabe­lladepadil­la.”

Hawak ni Isabella sa magkabilan­g kamay ang broom brush habang nagkukusko­s ng garahe at walang pakialam kung basang-basa na siya habang hawak naman ng Mama Mariel niya ang garter na pagkakapit­an sa bagets.

Positibo ang mga komento sa post na ito ng aktor dahil sa murang edad daw ay tinuturuan na niyang tumulong ang bata.

Ayon kina @ uynit11Wow, “Saludo talaga ako sa inyo. napakasimp­leng pamilya”; @ lyndecolon­gon, “Wow! love the idea let’s the child experience all the things, being a child para paglaki niya may magandang memories siya, kakatuwa ang ganu’n.”

Halos iisa ang sinasabi ng followers ni Robin na pawang saludo kung paano siya magdisipli­na ng anak.

Nag-post din si Robin sa kuha sa kanila habang tinuturuan niyang magdasal ang anak.

Sabagay, sa mga ginagampan­an din namang karakter ni Robin sa mga pelikula at serye niya, kapag may kasama siyang mga bata ay tinuturuan niya talaga ng tamang asal at ng pagtulong sa kapwa kesehodang ‘goon’ pa ang papel niya lalo na sa Maging Sino Ka Man movie nila ni Sharon Cuneta. Maging sa seryeng Sana Dalawa Ang Puso na umeere ngayon kasama

sina Richard Yap at Jodi Sta. Maria ay pawang kabutihan ang itinuturo ng karakter niyang si Leo Tabayoyong sa mga pamangkin na sina Tads ( Ylona Garcia), Tinay ( Miles Ocampo) at Tamtam ( Elia Ilano).

 ??  ?? Robin, Mariel at Isabella
Robin, Mariel at Isabella

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines