Balita

PAGDILA SA APOY

Ika-97 labas

-

I

YON ay isang hindi naman kalakihang tanghalan. Isang improvised stage. Sa pasimula, tahimik ang kapaligira­n. Madilim ang naturang tanghalan.

Mayamaya, pumailangl­ang ang isang malamyos, malambing na musika. Halos kaalinsaba­y ng mga iyon, may lumitaw na mga sibat ng spotlight. Samut-saring kulay. Dilaw, asul, pula, berde. Umikot-ikot ang mga mumunting sibat ng spotlight.

Ilang saglit pa, ang medyo malakilaki­ng sibat ng liwanag na kulay pula ay tumama sa isang bahagi ng gilid ng entablado. Ang background ng entablado ay kulay telon.

Sa mismong sibat ng pulang kulay, sa gilid ng telon, lumitaw ang isang babae. Kekendeng-kendeng, kislotkisl­ot ang katawan, gumigiling ang malinding balakang tungo sa gitna ng entablado. Ang bawat kilos at indayog ng katawan ng babae ay ibinabagay sa himig ng malamyos na musika habang hindi hinihiwala­yan ng pulang sibat ng liwanag. Nawala ana ang sumasalimb­ay na iba’t ibang sibat ng liwanag pero nanatili ang kulay pulang ngayon ay laganap na sa kabuuan ng entablado.

Parang damit pangkasal ang suot ng babae. Putting-puti. Kumpleto pati belo at may hawak ding pumpon ng bulaklak na iisipin mong sariwa.

Nang nasa gitna na ng improvised stage, itinapon ng babae ang pumpon ng bulaklak. Kumendeng-kendeng pa, kumislot-kislot, kumanyod-kanyod sa patuloy na musika. Inalis ang belo at itinapon din. Inalis ang mga tali-tali ng buhok at isa-isang itinapon din. At lumugay ang makapal hanggang balikat na buhok.

Ay, kayganda ng babae! Para itong diwata sa gitna ng kabundukan dahil sa background ng makulay na telon na may nakapintan­g gubat na may batis. Parang totoong tubig ang background.

Habang patuloy ang babae sa malumanay, mahinhing pagsayaw, isa-isa nitong inaalis ang kanyang mga damit. Aaa, kayrami yatang piraso ng damit na suot nito!

Samantala, unti-unti, bumibilis ang tugtog. Ang dati ay mahinhin, malumanay na himig ay unti-unting humaharot. Bumibilis, bumibilis!

Ngayon, dalawang piraso na lang ang suot na damit ng babae. Panty at bra!

May sumigaw: “Alisin mo nang lahat!”

Maharot na maharot na ang tugtog. Maharot na rin ang kanina ay mahinhing sayaw. Kikislot-kislot, kikinig-kinig, kakanyod-kanyos na iisipin mong ang buong katawan ay ginagapang­an ng libong hanip. Ngayon, sasalpoksa­lpok sa harap na para bang may kasayaw na hindi nakikita. Aaa, inaangkin ba siya ng kasayaw na lalaki?

Saka niya hinawakan ang kapirasong telang pinakatali ng kanyang bikini sa kanyang katawan.

Muli, malakas na sigawan: “Sige…sige, tanggalin mo!”

Pero hindi tuluyang tinanggal ng dancer ang tali ng kanyang bikini. Pag inalis niya ang taling iyon, ganap na rin siyang talop.

Bigla, kasabay ng malakas na tung ng tambol, huminto ang tugtog. Tuluyang inalis ni dancer ang tali. Ganap na nahubdan ang mananayaw. Pero parang malikmata, nakatakbo na ito sa likod ng telon.

Sumambulat ang sigawan. Pandemoniu­m. Yumayanig ang kabuuan ng lugar na iyon. Dinaya kami! Dinaya kamiii!

Sumabog ang liwanag sa kabuuan ng lugar. Noon lang makikita ang kabuuan ng isang may hindi kaluwagang bulwagan. Nakaklat ang mga mumunting mesa. Bawat mesa ay tigib ng mga parokyano. Mga nag-iinuman, karamihan sa mga lalaking customers ay may ka-table na mga babae. Mga hospitalit­y girls.

Ang naturang lugar ay tinatawag na PARAISO. Ang dating pangalan ng lugar ay LANGIT. Ang katatapos lang na magsayaw ay si Lagring. Na star dancer na roon. Itutuloy...

 ??  ??
 ?? R.V. VILLANUEVA ??
R.V. VILLANUEVA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines