Balita

Pia at Gerald, unforgetta­ble sa ‘My Perfect You’

- Ni DINDO M. BALARES

SA trailer pa lang ng My Perfect You, ramdam ko nang may something sa kakaibang kulit ng character ni Pia Wurtzbach.

Sa tagal ko na sa industriya, na-master ko na ang paggamit ng thin-slicing principle sa mga produktong inilalabas ng production outfits. Sa thin-slicing theory, di mo kailangang ubusin ang isang buong pizza para malaman ang lasa o ang lahat ng ingredient­s na ginamit. Isang slice lang, sapat na.

Sa pananalita ng batikang peryodista-nobelistan­g si Ka Virgilio Blones (SLN): “’Pag binuksan mo ang de-latang ulam at naamoy mong mabaho na, titikman mo pa ba?” Kabaligtar­an ang ‘amoy’ ng makulit-masayang trailer ng My Perfect You, gusto ko agad panoorin nang buo. Para ma-satisfy ang curiosity, nangulit ako kay Mico

del Rosario ng Star Cinema na gusto kong mapanood ang pelikula ilang oras bago sila nag-premiere sa Dolphy Theater nitong Martes ng gabi.

Hindi ako nagkamali, hindi nga basta-basta ang character ni Pia sa My Perfect You. (Iniiwasan kong ikuwento ang storyline para hindi ako makapagbig­ay ng spoilers, para ma- enjoy din nang husto ng mga manonood pa lang ang pelikula.)

Ang role nina Pia at Gerald Anderson ay mapapasama sa listahan ng pinaka- lovable at unforgetta­ble na characters sa local cinema. Nagampanan nang buong husay ni Pia si Abi. Hindi siya beauty queen dito kundi actress. Tunay na aktres. After 16 years simula nang ilunsad siya sa Star Magic Circle Batch 11, ngayon lang siya nabigyan ng pagkakatao­n na mapatunaya­ng may ‘K’ siyang umarte.

Si Abi ang tinutukoy na perfect sa titulo ng pelikula na hindi rin simpleng romantic-comedy lang, kundi isa sa mga sorpresang out of the box na pelikula ng Star Cinema.

Well- thought- out ang script ng My Perfect You. Mahuhusay ang writers at well researched ang paksang binuksan nila sa publiko. May mga mensahe sila tungkol sa isyu na hindi pa masyadong tinatalaka­y sa mga pelikula o sa lipunan mismo, dahil taboo. Iniiwasan itong pag-usapan ng pamilya o angkan. Pero natalakay ito nang buong husay. Hindi na matinee idol kundi tunay nang actor sa My

Perfect You si Gerald Anderson. Maraming actor ang maiinggit sa kanya at mangangara­p na sana ay bigyan din sila ng ganito kagandang role.

Kung anong role ito, saka na lang natin pag-usapan. Dahil tiyak na magiging usap-usapan talaga ito.

Ang My Perfect Love ang klase ng pelikula na kapag pinanood mo, gusto mo ring mapanood ng lahat ng mga kaibigan o mga mahal mo sa buhay. Ang laging reliable na si Dimples Romana ang tumilad-tilad sa aspetong ito.

Matututo kang pahalagaha­n ng mga mahal mo sa buhay -- anuman ang personalid­ad o sitwasyon nila, perpekto man o may diperensiy­a -- kapag napanood mo ang bagong pelikulang ito ni Cathy Garcia-Molina. Paalala lang sa mga manonood, rom-com ang My

Perfect Love pero kailangan ninyong magdala ng panyo.

 ??  ??
 ??  ?? Pia at Gerald
Pia at Gerald

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines