Balita

Registered nurse, No. 1 sa PMA Class 2018

- Rizaldy Comanda

FORT DEL PILAR, Baguio City - Sipag at tiyaga lamang ang naging puhunan ng isang 25-anyos na kadete ng Philippine Military Academy (PMA) para maabot ang pinakaasam-asam na pagkilala—ang Presidenti­al Saber Award na igagawad mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang graduation ceremony sa Linggo.

Anak ng isang magsasaka si Cadet First Class Jaywardene Galilea Hontoria, tubong Barangay Blabag, Pavia, Iloilo, na isa nang lisensiyad­ong nurse bago sumali sa military school upang matupad ang pangarap na maging isang magiting na sundalo.

“Panawagan ko lang sa mga kabataan na maging masipag, lalo na sa pag-aaral. Malaki ang natutuhan ko sa academy at ito ay ibabahagi ko sa ating bayan at kababayan,” sabi ni Hontoria.

Mapapabila­ng sa Philippine Navy, nanguna si Hontoria sa Philippine Military Academy Class Alab-Tala (“Alagad ng Lahing Binigkis ng Tapang at Lakas”) bilang class valedictor­ian.

Siya ang ikalawang Baron leader ng klase, ang una ay noong 1951.

Kasunod ni Hontoria sa Top Ten sina Cadet 1CL Ricardo Liwaden, ng Barlig, Mt. Province, na tatanggap ng Vice Presidenti­al Saber Award; Cadet 1CL Jun-Jay Castro, ng Amulung, Cagayan; Cadet 1CL Leonore Japitan, ng Butuan City; 1CL Mark Dacillo, ng Zamboanga City; 1CL Jezaira Buenaventu­ra, ng Bais City, Negros Oriental; 1CL Jessie Laransng, ng San Clemente, Tarlac; 1CL Paolo Briones, ng Baguio City; 1CL Jayson Cimatu, ng Casiguran, Aurora; at 1CL Micah Reynaldo, taga-Bamban,Tarlac.

Sina Cadet First Class Jasm Marie Alcoriza, ng Bacolod City; at Cadet First Class Christian Olarte, ng Legaspi City, Albay, ay pagkakaloo­ban ng special awards na Athletic Saber at Journalism Award.

Ang PMA Class Alab-Tala ay kinabibila­ngan ng 207 lalaki at 75 babae, at 143 ang aanib sa Philippine Army, 71 sa Philippine Air Force, at 58 sa Philippine Navy.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines