Balita

CIDG dumepensa

- Aaron Recuenco

Inamin kahapon ng mga tauhan ng Criminal Investigat­ion and Detection Group (CIDG) na pinagbaseh­an nila ang testimonya ng iisang saksi sa paghahain ng kaso laban kay Kerwin Espinosa at sa dalawa umanong drug lord — ibinasura ng panel of prosecutor­s ng Department of Justice (DoJ) ang kaso.

Sa kabila ng paiba-ibang pahayag ni Marcelo Adorco, lalo na sa petsa ng sinasabing drug transactio­n, binanggit ni CIDG chief Director Roel Obusan ang mga nagdaang jurisprude­nce kung saan pumabor ang Korte Suprema sa saksi na may pabagu-bagong testimonya bilang dahilan kung bakit hindi nila naisipang hanapan ng matibay na basehan ang testimonya ng kanilang saksi.

“Those transactio­ns happened years past. You will have difficulty determinin­g the exact time and date but places are easy to remember and those were directly cited by Adorco,” sabi ni Obusan sa press briefing sa Camp Crame sa Quezon City.

“But on the complaint we filed, everything is already there and what was just establishe­d here is probable cause. That is well-grounded belief that a crime has been committed and directly it is stated in other jurisprude­nce and it is up to the court to expound more on what really happened,” dagdag niya.

Base sa desisyon, idinismis ang kaso dahil sa pabagu-bagong testimonya ni Adorco na naging dahilan upang hindi siya paniwalaan, at dahil sa pagkabigo ng CIDG na makakalap ng ebidensiya sa sinasabing drug transactio­ns.

Gayunman, ipinagdiin­an ni Obusan na ang inihain nilang kaso ay matibay upang makaabot sa korte, sapagkat ang kanilang saksi ay sangkot mismo sa transaksiy­on.

Si Adorco ay naging driver at bodyguard of Espinosa. Inaresto siya at pumayag na maging state witness.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines